Choco milk, kesong puti, honey at fruit wines, corn grits, biofertilizer, UP merchandise.
Iyan at marami pang samu’t-saring mga produkto ang maaaring mabili sa bagong bukas na UPLB Technohub at One-Stop Shop ng UP Los Baños (UPLB) na katabi ng Baker Hall sa may Freedom Park
Bukas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 AM – 6 PM, at Sabado, 6 AM – 11 AM.
Ngayon ang mga bisita at turista ng Los Baños ay hindi na kailangang tumakbo sa malalayong R&D institutions ng unibersidad upang mamili ng pasalubong at souvenir items.
Tampok dito ang mga produkto ng mga sumusunod:
- Institute of Food Science and Technology (IFST)
- Dairy Training and Research Institute (DTRI)
- Institute of Plant Breeding (IPB)
- National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH)
- UPLB Bee Program
- UPLB Alumni Association
Tingnan ang mga litrato ng mga produkto nila dito.
Ang shop ay nasa ilalim ng pamamahala ng UPLB Business Affairs Office at Office of the Vice Chancellor for Research and Extension.
Katabi rin ng shop ang Milka Krem ng Philippine Carabao Center (PCC) na nagbebenta ng ng carabeef sausages, Milk-O-Jel, Carakafe, at iba pang carabao products.