47,945.
Ngunit kamakailan ay mismong ang UPLB naman ang nabigyang pansin at kinilala bilang isa sa mga Outstanding Higher Education Institutions (HEI) ng Commission on Higher Education (CHED) sa isang seremonya na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) noong Hulyo 19.
Sa ngalan ng UPLB, ang mga opisyal ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) na sina Vice Chancellor Roberto P. Cereno, Assistant Vice Chancellor Benevieve D. Villanueva, at University Health Service (UHS) Medical Director Jessie Imelda F. Walde ay tumanggap ng tropeo at sertipiko ng pagkilala.
UPLB SHIELD
Ang UPLB COVID-19 Vaccination Program ay bahagi ng UPLB Safety, Health, and Intra-community Engagements for Lifesaving Defense (SHIELD) against COVID-19 na pinasimulan ng OVCCA.
Sa pakikipagtulungan sa Municipal Government of Los Baños at Center for Health Development Calabarzon ng Department of Health, ang UPLB ay binuksan ang E.B. Copeland Gymnasium noong Abril 2021 upang makapagbigay ng bakuna para sa mga mamamayan ng Los Baños at mga katabing bayan.
Upang mag mapataas pa ang herd immunity ng komunidad, ang UPLB ay isinama na rin ang mga estudyante nito, kawani at kanilang dependents, at pati na rin ang mga kawani ng mga miyebrong ahensya ng Los Baños Science Community Foundation, Inc. (LBSCFI). Ang mga ito ay nagmumula hindi lamang sa Los Baños, kundi pati na rin sa iba’t-ibang bahagi ng Laguna at mga karatig lalawigan.
Samakatwid ay napalawig ng programa ng UPLB ang proteksyong dala ng pagbabakuna hindi lamang sa mga pangunahing nasasakupan nito, kundi pati na rin sa ibang mga komunidad.
Kasama ng OVCCA at UHS sa programa ang Office of the Chancellor, UPLB Housing Office, Security and Safety Office, University Planning and Maintenance Office, Office of Public Relations, Information Technology Center, at Department of Human Kinetics, pati ang mga pribadong organisasyong katuald ng Makiling Medical Society at UPLB Community Chest, Inc.
HEIs Kontra COVID-19
Labindalawang iba pang HEIs mula sa ibang rehiyon ang kinilala ng CHED.
Ayon kay CHED Chairperson J. Prospero E. de Vera III, ang mga ginawaran ay nagpakita ng diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng pagbuo ng pagkakaisa sa mga pangunahing mga nasasakupan nila.
Pinuri rin ni Sec. Carlito G. Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19 at vaccine czar, ang mga ginawaran sa kanilang boluntaryong pag-aalay ng kanilang mga pasilidad, tauhan, at kadalubhasaan upang mapalawak pa ang saklaw ng pagbabakuna sa bansa.
Mga litrato mula sa UPLB/YouTube at UPLB OVCCA.