Bautista, tinanghal na Miss Tourism Queen of the Year International

Tagumpay na inuwi ni Bb. Leren Mae Bautista ang korona bilang Miss Tourism Queen of the Year International 2015/16 noong Disyembre 31, 2015. Ginanap ang kompetisyon sa Putrajaya Marriott Hotel and Spa Grand Ballroom sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mayroong 52 kandidatang nagtunggali sa korona. Bukod kay Bb. Bautista, panalo rin ng Dream Girl of the Year International si Miss India, Miss Tourism Cosmopolitan International si Miss Iceland, Miss Tourism Global International si Miss Lithuania, at Miss Tourism Metropolitan International si Miss Uganda.

Noong Enero 2, sa kanyang pagbalik sa Pilipinas, ay malugod na sinalubong si Bautista ng kaniyang mga kababayan sa munisipyo ng bayan ng Los Baños.

Si Bautista ay tubong Brgy. Anos sa Los Baños. Tinanghal siya bilang Mutya ng Pilipinas 2015 ng Agosto 2015 at Miss Los Baños noong 2013. Sa pagdiriwang ng ika-400 taon ng bayan noong Setyember 2015, pinarangalan rin si Bautista bilang Natatanging Mamayan ng Los Baños sa larangan ng Sining at Ganda (Beauty and Arts). [Ma. Roxanne Fatima S. Rolle]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *