Unang blood drive ng Brgy. Maahas, inilunsad

ulat nina Margarite Igcasan, Joshua Jonas, at Mistral Reyes

Isang bloodletting drive ang inilunsad sa unang pagkakataon ng Sangguniang Barangay ng Maahas, kasama ang Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Bokal Leanne P. Aldabe-Cortez, noong Pebrero 17, 2018 sa Maahas Covered Court.

Ito ay dinaluhan ng 80 na katao upang mag-donate ng dugo. Ang nasabing programa ay nakalikom ng 35 blood bags.

Kauna-unahang Bloodletting Drive sa Brgy. Maahas, isnagawa sa kanilang covered court sa pamumuno ni Bokal Leanne P. Aldabe-Cortez ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna.

Ang nangasiwa ng mga test, pagsusuri at ng mismong bloodletting ay pinamunuan naman ng mga medical technologists mula sa Calamba Medical Center (CMC).Nakipagugnayan ang barangay sa Trace College, Tau Gamma Phi Fraternity at iba pang mamamayan ng Los Baños upang makibahagi sa Bloodletting Drive.

Isa sa mga donor mula Trace College ay kinukuhanan ng blood pressure para masigurado ang kanilang kaligtasan.

Ang programang ito ay itinaguyod para madaling mabigyan ng libreng dugo ang mga mamamayan ng Los Baños at mga pasyente ng CMC.

Ang unang nag-donate ng dugo ay ang 29 taong gulang na si Elmer Rombano, isang Caregiving Student mula sa Trace College. 

Unang beses ko pa lamang makapag-donate ng dugo. Masakit sa unang turok pero nakakaginhawa sa pakiramdam. Maganda ang mag-donate kasi nalilinis ang dugo mo at nakakatulong ka pa sa iba. Balak ko mag-donate ulit ng dugo,” sabi ni Rombano.

Isa pang nag-donate ay ang 47 anyos na si Noel Medrano, miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity at mula sa Brgy. Anos.

“Masaya at magaan sa pakiramdam ang makapagdonate ng dugo. Maganda rin kasi nakakatulong ka rin sa ibang tao,” aniya.

Ayon kay Lito Atienza, Chief Medical Technologist ng CMC, dadaan muna sa ilang proseso bago makapag-donate ng dugo ang nakibahagi sa bloodletting drive. Ang unang hakbang ay ang pagsasagot ng questionnaire form na may mga katanungan sa donor tulad ng kanilang pangalan, sakit, at ilang habits (katulad ng paninigarilyo at pag-inom).

Si Lito Atienza, Chief Medical Technologist ng CMC, ay ininterview ang isa sa mga donor kung saan masisigurado na sila ay kwalipikadong magbigay ng dugo.

Pangalawa ay ang pag-kuha ng blood pressure at timbang. Dito malalaman kung sapat ang mga ito para makapagdonate.  Maaaring mapahamak ang kalusugan ng donor kung labis o kulang ang kanilang timbang at blood pressure. Isang halimbawa nito ay pagkahimatay.

Sunod naman ay ang interview upang malaman kung naabot ng potential donor ang patakaran  bago makapagbigay ng dugo. Bukod sa questionnaire form sinagutan, ang mga donors ay masusi pang tatanungin ukol sa kanilang kalusugan.

Pang-apat na hakbang ang blood typing. Dito susuriin ang type ng dugo ng donor, at ang hemoglobin level nito.

Isa sa mga nars na mula sa CMC ay ginagawa ang pagsusuri ng blood type.

Pagkatapos kuhunan ng dugo ang bawat donor, sinusuri ang bawat blood bag sa laboratoryo ng CMC. Ito ay upang masigurado ang kailinisan at kaligtasan ng dugo sa sakit, tulad ng HIV at Malaria, na ilalagay sa reserba ng ospital.

Let’s help. Let’s do our share in donating our blood. Makakasave iyon ng tatlong taong nangangailangan ng dugo… let’s help this advocacy,” wika ni Atienza.

Ang pagklukuha ng sample mula sa blood pbags na kinolekta sa bloodletting drive. Ang mga sample na ito ay sususriin para mapanaili ang kalinisan ng dugo.

Ayon kay Marleen Aguilar, personal secretary ni Bokal Aldabe-Cortez, 30% ng nakolektang dugo ang mapupunta sa Los Baños, at 70% naman ang mapupunta sa CMC.

Sabi ni Mario Evangelista Jr., Chairman ng Los Baños Municipal Council, malaki ang maitutulong nito sa mga taga Los Baños na nangangailangan ng dugo dahil malapit lamang ang CMC.

Para karagdang impormasyon, ay maaaring makipagugnayan sa Calamba Medical Center sa numerong: 545-6080 (loc. 1217).  

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.