ulat nina: Nel Benjamin Magdaleno, Cesar Ilao III, Margarite Igcasan, Mistral Reyes, at Crissel Tenolete
Ang mga sakit sa puso ay nananatiling una sa listahan ng mga bagay na pumapatay sa mga Pilipino araw-araw, higit pa sa bagyo o anumang sakuna. Hindi ito isang biro dahil sa pabigla-biglang nitong pag-atake at kabilisan nitong umepekto.
Isa si Noel Ayes, 54 na taong gulang, sa mga taong nakararanas ng sakit sa puso na tinatawag na Eccentric Hypertrophy o pagkapal ng ugat sa puso.
Noong Mayo ng 2017, dinala si Ayes sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa kahirapan ng pag-hinga. Nakita naman sa kanyang Electrocardiogram test (ECG) na mayroon nga siyang malubhang karamdaman sa puso.
Naging magbabarnis si Ayes sa isang construction firm bago pa siya nagkasakit sa puso> Kasama ang pamilya niya, ay lumipat at nanirahan sa Los Baños si Ayes para sa kaniyang trabaho.
Nang mag-apply upang mag-abroad noong 2016 si Ayes, nakita sa isa sa mga medical check-ups niya na may di-pangkaraniwang estado na nga ang kaniyang puso at hindi na siya maaaring mag-abroad.
Ngunit hindi pa rito natukoy ang kaniyang karamdaman. Nalaman na lamang na may Eccentric Hypertrophy nga siya ng dinala siya sa ICU noong 2017.
Epekto at sanhi ng sakit
Dahil sa kanyang karamdaman ay napilitan siyang tumigil ng permanente sa pagtratrabaho at nanatili na lamang sa kanilang tinutuluyang apartment upang magpahinga’t gumawa ng mga trabahong hindi gaanong nakakapagod.
Bukod sa mga aktibidad na hindi na niya ginagawa ay may mga pagkain din na ipinagbawal ang doktor sa kaniya. Ilan dito ang maaalat at makokolesterol na pagkain. Mayroon ding listahan ng mga pagkain na nakakapagpalakas ng puso at katawan na nakapaskil sa dingding ng tahanan ni Ayes.
Isa sa mga suspetsa ni Ayes kung bakit siya nagkaroon ng ganitong karamdaman, ay ang hilig niya sa pares noong nagtratrabaho pa siya. Ang pares aniya’y isang macholesterol na pagkain.
Ang kanyang lakas at gabay
“Totally ano e kung ibaback sa 5 years ago nagbibisyo ako pero nung nag Jehovah Witness na di na ako… tyaka ko tuloy naramdaman yun nung hindi na ako ng bisyo.”, dagdag pa ni Ayes.
Matagal nang tumigil ng pagbibisyo si Ayes at ngayo’y ginugugol na ang kaniyang oras sa pagdarasal at pakikipagkita sa kanyang mga kapatid sa Jehova’s Witness.
Ang kaniyang limang anak at asawa ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang labanan ang sakit at harapin pa ang hinaharap. Tinutulungan siya ng kaniyang asawa sa pinansyal niyang pangangailangan at ng kaniyang mga anak sa mga pang-araw araw na gawain. Si Ayes din ay nagagalak din sa kaniyang mga kapatiran sa Jehova’s Witness na handing tumulong sa kaniya ‘pag siya’y nangangailangan.
Mga payo mula sa puso
Ugaliin mag ehersisyo at kumain ng gulay, ‘yan ang payo ni Ayes sa mga taong hindi pa nakararanas ng sakit sa puso. At para naman sa mga mayroon nang sakit sa puso, ipinapayo ni Ayes na sumunod ng maigi sa doktor dahil wala raw silbi ang pagpapadoktor kung hindi naman susundin ang mga irereseta at ipapayo nito.
Kung nais makatulong kay Noel Ayes, maaari lamang makipagugnayan sa numerong ito: 09122173899
Para sa ibang kwento na mula sa puso, bisitahin ang “Mga Kwentong Mula sa Puso (ni Felix Ilagan)”