ni Sandra San Carlos
Ginanap ang Listong Bulilit, isang bagong programa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM), noong ika-23 ng Pebrero sa Tadlac Elementary School.
Ang programang ito ay iisa sa mga proyekto ng MDRRM para sa buwan ng Marso bilang parte ng kanilang Awareness Campaign para sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month. Ito ay naglalayong maturuan ang mga bata sa daycare center, at mga estudyante na nasa 1 hanggang 3 baitang, kung papaano maiiwasan at masusugpo ang nagsisimulang apoy.
Ayon kay Arman Esteban, MDRRM Representative, madalas na tinuturuan ang mga estudyanteng nasa matataas na baitang kung kaya’t ngayon naman ay nais nilang matutukan ang mga bata.
“Mas maganda na sa murang edad pa lamang ay aware na ang mga bata sa kanilang gagawin kung sakaling magkaroon ng apoy,”ani ni Esteban.
Ang MDRRM ay maglilibot sa ilang mga elementary school at daycare center sa buong Los Baños para sa Listong Bulilit. Ito ang schedule ng kanilang programa:
Marso 1- Lalakay Elementary School; Bambang Elementary School
Marso 2- Malinta Elementary School; Maahas Elementary School
Marso 5- Baybayin Daycare Center; Timugan Day Care Center
Marso 6- Maahas Day Care Center; Batong Malake Day Care Center
Marso 7- Tuntungin-Putho Elementary School
Marso 8- Maahas CSAP Day Care Center; Day Care Center
Marso 9- Lalakay Day Care Center; Mayondon Day Care Center
Marso 12- Bambang Day Care Center; Malinta Day Care Center
Marso 13- San Antonio Elementary School; Tadlac Day Care Center
Marso 14- San Antonio Day Care Center Sitio Pag-asa at Barera
Marso 15- Batong Malake Elementary School; Mayondon Elementary School
Marso 16- Tuntungin- Putho Day Care Center
Marso 19- Anos Elementary School
Marso 20- Timugan Elementary School (Central)
Ang Listong Bulilit ay inisiyatibo ni Mayor Cesar Perez na ipinapatupad ng MDRRM kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP).