ni Christian Jay Ramos
Apatnapu’t isang katangi-tanging programa, istasyon, at mga personalidad ang pinarangalan at kinilala sa Gandingan 2019: The 13th UPLB Isko’t Iska’s Multi-Media Awards ng UP Community Broadcasters’ Society, Inc. (UP ComBroadSoc), isang organisayon ng mga mag-aaral sa College of Development Communication sa UPLB.
Ang gabi ng parangal na ginanap noong March 16 sa bulwagang DL Umali ng UPLB ay may temang “Midya at Bayan: Malaya, Mulat, Matapang.”
Ayon kay Rinarhae Seguin, production head ng Gandingan 2019, “ito ang napiling tema para sa Gandingan dahil nagiging talamak ang mga balita na naaayon lamang sa interes ng administrasyon at agad agad binabatikos kung sino man ang humarang dito.”
Kinilala ang DZUP 1602 bilang Most Development-oriented AM Station at UP ComBroadSoc’s Choice for Gandingan ng Kalayaan, Gandingan ng Kaunlaran–ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Gandingan bilang pagpapamalas ng galing ng mga programa tungo sa kalayaan at kaunlaran.
Ayon kay Assistant Professor Jane O. Vinculado ng UP College of Mass Communication Department of Broadcast Communication at Station Manager ng DZUP, ang mga naiuwing karangalan ng DZUP ay tungo sa patuloy na matapang na paglaban para sa katotohanan at pagkakaroon ng matalinong diskusyon tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang mga karangalang ito ay iniaalay rin ng DZUP 1602 para sa pagpapalakas pa ng iba’t-ibang istasyon ng radyo sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Ngayong taon din pinasinayanan ang “Ka Louie Tabing Memorial Achievement Award in Community Broadcasting” bilang pagkilala kay Louie Tabing, isa sa itinuturing na haligi ng community broadcasting sa bansa.
Ayon kay Assistant Professor Mark Lester Chico, ang Ka Louie Tabing Memorial Achievement Award in Community Broadcasting ay igagawad sa mga personalidad na nagpamalas ng husay sa community broadcasting simula sa susunod na Gandingan Awards.
Mga nagwagi
Bukod sa DZUP ay pinarangalan rin ang mga sumusunod sa ilalim ng tinatawag na core awards, mga pagkilalang ibinibigay sa mga programa o personalidad na tumatalakay ng mga isyung pang-kaunlaran:
- Matanglawin, ABS-CBN- Most Development-oriented Educational Program
- Usapang P!, DZUP 1602- Most Development-oriented Women’s Program
- 1 Years of Amnesia: Stories on the Myths that Made Marcos, Philippine Star- Most Development-oriented Youth Program
- Sikhay Kilos, DZUP 1602- Most Development-oriented Livelihood Program
- G Diaries, ABS-CBN- Most Development-oriented Environmental Program
- IM Ready sa Dobol B, Super Radyo DZBB 594- Most Development-oriented Science and Technology Program
- Asawa Ko, Karibal Ko, GMA Entertainment- Most Gender-Transformative Program
- Iskoolmates, PTV- Most Participatory Program
- Michael Arthus G. Muega – “Radyo Edukado” DZUP 1602- Gandingan ng Edukasyon
- Cindy Cruz-Cabrera at Ms. Steph Andaya – “GENDERadyo” DZUP 1602- Gandingan ng Kababihan
- Atom Araullo – “The Atom Araullo Specials” GMA Network – Gandingan ng Kabataan
- Ferds Recio at Dr. Nielson Donato – Born to be Wild, GMA Network- Gandingan ng Kalikasan
- Nathaniel “Mang Tani” Cruz – “IM Ready sa Dobol B” Super Radyo DZBB 594- Gandingan ng Agham at Teknolohiya
Samantala, ginawaran ng General Awards ang mga sumusunod:
- GMA Regional TV Presents: Modern Day Heroes, One Western Visayas, GMA Regional TV- Most Development-oriented News Story
- Bigyan ng Halaga, One Western Visayas, GMA Regional TV- Most Development-oriented Feature Story
- Newsroom Ngayon, CNN Philippines- Most Development-oriented Public Service Program
- Walang Unli Rice, GMA Network- Most Development-oriented Documentary Program
- I-Juander, GMA News TV and Public Affairs- Most Development-oriented Magazine Program
- Reporter’s Notebook, GMA Network- Most Development-oriented Investigative Program
- My Special Tatay, GMA Entertainment- Most Development-oriented Drama Program
- AHA!,GMA Network- Most Development-oriented Children’s Program
- Fake News, CLTV 36- Most Development-oriented TV Plug
- The Clash, GMA Entertainment- Most Development-oriented Musical Program
- On the Record, CNN Philippines- Most Development-oriented Talk/ Discussion Program
- Ang Corrupt na Kapitan, Barangay MAKooLIT, DXVL-Kool FM 94.9- Most Development-oriented Radio Drama
- Hugot Makabayan, DZUP 1602- Most Development-oriented Radio Plug
- Serbisyong Tatak UP, DZUP 1602- Most Development-oriented Radio Public Service Program
- Barangay Love Stories, Barangay LS 97.1 DWLS-FM- Most Development-oriented FM Program
- Radyo Mo sa Nutrisyon, RMN DZXL 558- Most Development-oriented AM Program
- AUP 87.8 Shine Radio- Most Development-oriented FM Station
- UP Prof: Pagdeklara sa Boracay bilang agri land, makapagpapalala sa soil erosion situation doon, DZUP Balita, DZUP 1602- Most Development-oriented Online News
- For Lumad Schools, Even Holding Class is a Struggle, Philippine Star- Most Development-oriented Feature Article
- Renzmark Jairuz “Papa Dudut” Ricafrenete, Barangay Love Stories, Barangay LS 97.1 DWLS FM- Best FM Radio Program Host
- Ali Sotto, Dobol A sa Dobol B, Super Radyo DZBB 594- Best AM Radio Program Host
- Jeff Canoy, Red Alert, ABS-CBN- Best TV Program Host
- Lou Anne Mae Rondina, Balitang Bisdak, GMA Regional TV- Best Field Reporter
- Jessica Soho, State of the Nation with Jessica Soho, GMA News TV- Best News Anchor
Bukod sa paggagawad ng parangal at pagkilala sa mga miyembro ng midya, ang Gandingan Awards din ay isang daan ng pagtulong sa mga kalapit na komunidad ng UPLB. Ang nalikom na halaga mula sa mga tiket ng Gandingan 2019 ay magsisilbing donasyon sa Bahay Pag-asa sa Calauan, Laguna, isang transition home para sa children in conflict with the law.
Ang Gandingan ang kauna-unahang broadcast-based award-giving body sa buong UP system. Ito rin ay nagbibigay ng hamon sa iba’t-ibang istasyon ng radio at TV para gumawa pa ng mga programang nagiging instrumento ng kaunlaran.