Mga sakit tuwing panahon ng tag-ulan

ni Rianno Emmanuel J. Domingo

Dahil sa madalas na pag-ulan, dumarami ang mga residente na maaring tamaan
ng sakit gaya ng ubo at sipon.

Ayon sa datos ng Barangay Health Center ng Bambang, umabot na sa halos isang libong kaso ng pagkakasakit ang naitala ng tanggapan mula sa simula nitong taon hanggang buwan ng Hulyo.

Kabilang sa mga nangungunang sakit ang upper respiratory tract infection na dala ng virus o ng bacteria. Ilan sa mga sintomas nito ay madalas na pag-ubo, pangangati ng ilong, sipon, pananakit ng ulo, at pangangati ng lalamunan. Karaniwan itong nakukuha sa panahon ng tag-ulan.

Ayon sa pinuno ng barangay health unit na si Euphemia Calica, malubhang pag-ubo at
sipon ang kadalasang sakit ng mga residenteng nagpapatingin sa kanila. Naitatalang
958 katao na ang nagkasakit sa unang pitong buwan ng 2019.

Panawagan ni Calica sa mga residente ng Bambang na uminom ng gamot o kumain ng prutas na malakas sa Vitamin C katulad ng manga, pinya, at papaya dahil ito ay nagpapalakas ng resistensya ng panganagatawan upang hindi mabilis tamaan ng karamdaman katulad na lamang ng ubo at sipon.

“Bukod sa pagkain prutas malakas sa bitamina ay iwasan ang pagpapa-ambon
at magdala palagi ng paying at kapote,” dagdag pa ni Calica.

Ang Barangay Health Center ng Bambang ay namimigay ng libreng gamot para malunasan ang karamdaman ng mga residenteng nagpapagamot dito.

“Hindi talaga kami ng hihingi ng pera, walang money involved dito,” paglilinaw pa ni Calica.

Kada taon ang pagbili ng Barangay ang Health Center nito ng iba’t ibang gamot
depende sa sakit. “Pag naubusan na ng gamot dito, binibigyan na lamang ng
reseta ang mga pasyente matapos magpakonsulta ay ipaparefer na namin sila sa Rural
Health Unit I,” paliwanag pa niya.

Kabilang sa mga organisasyong tumutulong sa pamamagitan ng donasyon ng gamot ang Lion’s Club, isang non-political organization na mahigit 10 taon nang
tumutulong sa pagtugon sa pangangailangang pang-kalusugan ng mgaresidente. Ipinapadala nito ang kanilang donasyong gamot sa Rural Health Unit I na pinamumunuan ni Municipal Health Officer Alvin Isidro.

Bukod sa libreng gamot, kabilang rin sa mga serbisyo ng Barangay Bambang Health Center ay ang pre-natal and post-natal care, family planning, cervical cancer screening, tuberculosis case finding and case holding, fasting blood sugar test, at regular flu vaccination para sa mga matatanda, at regular immunization naman para sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.