Ulat nina Maria Sarell Vicente at Angeli Marcon
Isa si Dr. Anthony Charles Dalmacio sa mga medical frontliners na unang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19 noong ika-19 ng Marso 2021.
Si Dr. Dalmacio ay isang ENT o (Eyes, Nose, and Throat) Physician at Head Surgeon. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa mga ospital ng HealthServ Los Baños, CP Reyes Hospital, at The Medical City South Luzon.
Matapos ng 12 oras ng pagpapabakuna, nagkaroon siya ng mga sintomas na maihahalintulad sa flu. Pinaalalahanan naman niya ang publiko na normal ang mga sintomas dahil ito ay reaksyon lamang ng immune system sa bakuna. Nakatakda naman ang kanyang pangalawang dosis ng bakuna sa Mayo 17, 2021.
Kaakibat ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang pagtaas din ng bilang ng mga pasyente niya. Kinakailangan kasi ng ilang pasyente sumailalim sa operasyong Tracheostomy o ang paglalagay ng tubo upang makahinga sila nang maayos, lalo na sa mga nakararanas ng severe symptoms ng COVID-19.
Dedikasyon sa serbisyong medikal
Sa kabila ng matinding hamon ng pagseserbisyo, naniniwala pa rin siya sa sinumpaang trabaho bilang doktor. “I made an oath to do my job and I will just do it. It’s my sense of responsibility. Of course, my conscience couldn’t bear that I wouldn’t be helping others in my field” ani ni Dr. Dalmacio.
Nais din iparating ni Dr. Dalmacio sa mga estudyante ng Medisina na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral dahil kinakailangan sila, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Giit niya, huwag silang mawalan ng lakas ng loob ngayong online learning dahil marami pa namang ibang mga paraan sa pagkatuto. Binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng kabataan upang punan ang kakulangan ng healthcare workers sa Pilipinas. Aniya, “Don’t become a doctor because of the money, because [it] isn’t there. You become a doctor because you want to heal, so you are much more needed now… Healthcare workers are becoming fewer and fewer, so you are needed. If you really want to become a doctor, [then] why should this stop you?”
Paalala sa publiko
Hinihikayat pa rin ni Dr. Dalmacio ang lahat na mag-ingat at laging sumunod sa health protocols. Kasama sa health protocols ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, panatilihin ang social distancing, at iwasan munang pumunta sa mga social gatherings.
Naniniwala siya na ang virus ay walang pinipili at sinuman ay pwedeng tamaan nito, kaya panawagan niya na huwag maging kumpiyansa sa virus. Hinihikayat niya rin ang lahat na magpabakuna sa oras na ito ay handa na at maaaring makuha.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga nais magpakonsulta kay Dr. Charlie Dalmacio:
Dr. Charlie Dalmacio
ENT Physician and Head Surgeon
HealthServ Los Banos
CP Reyes Hospital
The Medical City South Luzon
Clinic Hours:
Healthserv Los Banos Medical Center
Monday, Wednesday, Friday, and Saturday
9-11AM
CP Reyes Hospital
Tanauan City, Batangas
Tuesday and Thursday
9-11AM
The Medical City South Luzon
Sta. Rosa City, Laguna
Monday and Friday
2-4PM