Mga batang 5-11, babakunahan hanggang Marso 23; adult vax, tuloy-tuloy din
Ulat ni Christ Jinna Luofel Del Rosario
Patuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga mamamayan ng bayan ng Los Baños sa LB Evacuation Center, Paciano Rizal Park. Noong nakaraang Lunes at Martes ng umaga, Marso 21-22, mga batang nasa edad 5-11 taong gulang ang inasikaso ng LB Resbakuna.
Para sa buwan ng Marso, hanggang Miyerkules ng umaga, Marso 23, ang pagbabakuna sa mga bata. Kailangang may nakatatandang kasama ang mga bata upang mabakunahan.
Samantala, ang mga sumusunod na petsa naman ay nakatakda para sa mga may sapat na gulang at nakatatanda:
- Marso 24 (Huwebes)
- Marso 25 (Biyernes)
- Marso 29 (Martes)
- Marso 31 (Huwebes)
Maaari ding magpabakuna ang mga walk-in, ngunit mas maigi na ang mga interesado ay magparehistro muna para sa pagpapabakuna sa MGLB COVID Tracker site o sa inyong lokal na barangay.
Ang pagpapaunlak sa mga walk-in ay nakabatay sa suplay ng bakuna para sa araw na iyon at sa kung ano man ang sobra mula sa mga nakarehistro at nagkumpirma.
Ang uri rin ng bakuna ay nakasalalay din sa matatanggap na suplay ng lokal na pamahalaan mula sa Department of Health (DOH).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa inyong barangay o sa MGLB Information and Communication Systems Office (ICSO) Facebook page.