Ulat ni: Redjie Myr Florendo
Mula sa mahabang pila sa pagbubukas ng botohan sa Lagalag Elementary School, nagsimulang umunti ang mga nagsisidatingan upang bumoto. Ayon sa ilang mga poll watcher na nakatalaga sa limang clusters na mayroon ang nasabing paaralan, pasado alas-12 ng tangahali nang magsimulang kumaunti ang mga dumarating na botante.
Nagresulta ito para mas lalo pang napadali ang proseso ng pagboto ng mga botante, dahil wala na halos na mga pila ang bawat clusters na pagbobotohan nila.
Ayon kay Police Executive Master Sergeant Michelle Andal, pulis na nakatalagang magbantay sa bungad ng eskwelahan, tinatayang umabot na 30%-50% ng voting population na 3,245 ang nakaboto sa nasabing barangay. Dagdag pa niya, inaasahang pagpatak ng alas 3 ng hapon ay muling rarami ang bilang ng magsisidatingang botante.
Sa pagtatapos ng botohan, tinatayang aabot sa 90% ng voting population ang makaboboto rito sa Lagalag Elementary School sa Tiaong Quezon.
Yan ang ating binantayan mula rito sa Tiaong, Quezon.