Botante sa Calauan, Laguna, dismayado matapos hindi makaboto

Ulat ni: Micaella Maligalig
Dismayado ang isang 34-taong gulang na ginang matapos siyang hindi makaboto dahil wala ang kanyang pangalan sa listahan ng mga botante galing sa COMELEC ngayong 2022.
“Sayang”, ito ang pahayag ng isang botante mula sa Calauan, Laguna na piniling hindi magpakilala. Ang nasabing ginang ay umuwi pa sa probinsya mula Maynila upang makaboto, ngunit hindi niya inaasahan ang pagkaalis ng kaniyang pangalan sa listahan ng mga aktibong botante.
Ayon sa kanya, nakaboto pa siya noong national at local election noong 2016 subalit hindi na siya nakaboto noong 2018 barangay elections, na naging dahilan ng pagkaalis ng kanyang pangalan.
Hangad niya na bago sana alisin ang pangalan sa listahan ng mga aktibong botante, nararapat daw na alamin muna ang rason sa hindi pagboto. Gayunpaman, desidido pa rin ang ginang na magpare-activate sa COMELEC bilang proseso upang siya ay makabotong muli sa susunod na halalan.
Tinatayang nasa higit 40,000 ang botante sa bayan ng Calauan, Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.