Ulat ni: Anna Diana B. Mole
Bahagyang naantala ang pag-uumpisa ng botohan sa Calauan Central Elementary School sa Calauan, Laguna kung saan tatlong barangay ang nakatalagang bumoto dito.
Nagkalituhan ang mga electoral board, watcher, at mga botante dahil sa mga balota na wala diumanong numero kagaya ng nakagawian kung kaya’t agad itong itinawag sa Commission on Election (COMELEC). Naresolbahan naman ito matapos sabihin ng COMELEC na ito na ngayon ang bagong balota. Sa halip na alas-sais ng umaga magsimula ang botohan, nagsimula ito ng lagpas alas-siyete na ng umaga. Naging magulo rin sa umpisa ang pila ng mga tao sa mga presinto ngunit agad naman itong naayos ng mga kasapi ng electoral board.
Kumpara sa mga nakaraang eleksyon, kalbaryo sa mga mamamayan ang eleksyon ngayong taon dahil sa mga safety health protocols na ipinapatupad sang-ayon sa Department of Health (DOH) para maiwasan ang COVID 19. Ngunit dito sa Calauan, hindi na nasusunod ang safety health protocols kagaya na lamang ng social distancing sa mga pila ng botante.
Samantala, patuloy pa rin nadadagdagan ang mahabang pila sa Calauan.