Voter turnout sa Milagrosa West Elementary School, lumagpas sa tatlong kapat

Ulat ni: Sean Craig D. Alsim

Base sa datos ng mga poll watchers ng Milagrosa West Elementary School, lumagpas na sa tatlong kapat ang mga botante na bumoto sa presinto para sa eleksyon.

Binubuo ng siyam na cluster, mula sa panayam kasama ang poll watchers, ang kabuuang botante ay umabot sa higit na 6,500+ na bilang. Sa bawat cluster, mahigit 100 na lamang ang kulang na mga botante na inaasahan pang bumoto bago pumatak ang alas-siyete ng gabi.

Ayon sa mga poll watchers, naging maayos naman ang naging daloy ng eleksyon. Ang pinakakaraniwang suliranin ay ang paper jam ng vote counting machines (VCMs), na agaran namang naayos kaagad ng technicians ng COMELEC.

Nagkaroon din ng priority lane para sa mga persons with disabilities (PWDs) at mga buntis upang hindi na sila mahirapang maghintay at makaboto kaagad.

Naglaan din ng presinto ng isolation facilities para sa mga botante na lumagpas sa threshold and temperatura upang maiwasan ang tangka ng pagkalat ng COVID-19, pati na rin first aid stations para sa mga botante na kailangan ng agarang tulong-medikal.

Bandang alas singko ng hapon, isang linya na lamang ang pilahan ng mga botante sa Milagrosa West Elementary School sa Carmona, Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.