#Eleksyon2022: Mga Nanalong Opisyal sa Los Baños, Iprinoklama na

Muling uupo si Anthony Genuino bilang mayor ng Los Baños.

Ulat ni Krystal Vitto

Opisyal nang iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato para sa mga lokal na posisyon sa bayan ng Los Baños, Laguna kaninang 7 n.u., ika-10 ng Mayo. Ito ay matapos ang canvassing of votes mula sa 97 precincts. 

Nangyari ang proklamasyon sa mismong munisipyo ng Los Baños, kung saan dumalo ang sampung nanalong lokal na opisyales upang pormal na tanggapin ang kanilang pagkakahalal bilang mga lider ng bayan.

PANOORIN: Livestream ng Proklamasyon ng mga nanalong opisyal  ( Courtesy: Vice Mayor Josephine Sumangil-Evangelista/Facebook)

Nanalo si Anthony Genuino ng Bigkis Pinoy Movement (BIGKIS) Party sa pagka-alkalde, matapos siyang makakuha ng 23,752 na boto. Noong taong 2010 hanggang 2013, nagsilbi rin si Genuino bilang alkalde ng Los Baños. 

Natalo naman niya ang limang kapwa-kandidato na tumakbo sa pagka-alkalde na sina Joel Lapis (AKSYON), Rodelo Pabalate (PDR), incumbent Mayor Antonio Kalaw (IND), Myla Alinsunurin (PPP), at si Feliciano Escobin (IND).

Ang running mate ni Genuino na si incumbent Vice Mayor Josephine Sumangil-Evangelista (BIGKIS), ay inihalal ulit ng mga taga-Los Baños bilang bise alkalde. Nakakuha ang re-electionist ng 24,829 na boto. 

Natalo naman niya ang tatlong kapwa kandidato na tumakbo sa pagka-bise alkalde na sina Aldous Perez (PDR), Ferdinand Vargas (AKSYON), at Nenita Lapitan (PPP).

Ang walong nahalal na councilor ay sina: 

  • Leren Mae Bautista (BIGKIS)
  • Marlo PJ Alipon (BIGKIS)
  • Jonathan Bryan Siytiap (BIGKIS)
  • Miko Pelegrina (IND)
  • Mark Lester Dizon (PDPLABAN)
  • Julius Moliñawe (PDR)
  •  Benedicto Alborida (PDR)
  • Mike Dexter Concio (BIGKIS)

Natalo nila ang 24 na kapwa-kandidatong tumakbo sa pagka-konsehal.

Manunungkulan sa Los Baños ang mga nasabing nahalal na opisyal sa loob ng tatlong taon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.