Brgy. San Antonio PWD: ‘Hindi kami burden’

Ulat ni Cyber Gem Biasbas

KARAPATANG PANG PWD. Tinalakay ni Arthur Letim, Area Vice President for Luzon ng Philippine Blind Union, ang mga Article 3 na kumikilala sa karapatan ng mga may kapansanan. (Barangay San Antonio/Facebook)

“Importante sa amin ang NPDR week para makilala kami ng lipunan as someone na hindi bibigyan lang [ng tulong]. Gusto rin namin na matuto ang mga PWD na we could do the same thing able bodied people are able to do… We are trying to break the connotation [that PWDs are a] burden to the society,” wika ni Jeanette Talica, pangulo ng Samahan ng mga PWD ng Brgy. San Antonio. 

Ang nasabing samahan ay nagsagawa ng seminar tungkol sa Convention on the Rights of Persons with Disability noong Hulyo 22 sa San Antonio Elementary School bilang pakikiisa sa National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Nagsalita rito si Mr. Arthur Letim, Area Vice President for Luzon ng Philippine Blind Union. Tinalakay niya ang Article 3: General Principles ng Convention on the rights of PWDs na nagsasaad ng wastong prinsipyo sa pagkilala sa mga taong mayroong kapansanan.

HINDI PAGHUSGA. Nag usap-usap ang isang grupo tungkol sa “Non-discrimination” ng Article 3. (Feddie Calica/Facebook)

Ipinulong sa walong grupo ang dumalong 33 PWDs ng San Antonio upang talakayin nila nang mas malalim ang walong prinsipyong nakasaad sa tatlong artikulo. Ang mga ito ay:

  1. Respect for inherent dignity, individual autonomy including the freedom to make one’s own choices, and independence of persons;
  2. Non-discrimination;
  3. Full and effective participation and inclusion in society;
  4. Respect for difference and acceptance of persons with disabilities as part of human diversity and humanity;
  5. Equality of opportunity;
  6. Accessibility;
  7. Equality between men and women;
  8. Respect for the evolving capacities of children with disabilities and respect for the right of children with disabilities to preserve their identities.

KAISA KAMI. Tinalakay ng isang grupo sa harap ang kanilang mga napag usapan tungkol sa “Full and effective participation and inclusion in society” ng Article 3. (Barangay San Antonio/Facebook)

Nagsagawa rin ng reporting ang bawat grupo upang talakayin ang kanilang mga natutuhan sa diskusyon at kanilang mga saloobin tungkol dito. Ayon sa kanila ay namulat sila sa mga pribilehiyo, karapatan, at dignidad na kailangang panghawakan ng mga PWD.

PWD, HINDI BURDEN. Naghayag ng saloobin at pasasalamat si Jeanette Talica, pangulo ng Samahan ng mga PWD ng Brgy. San Antonio. (Barangay San Antonio/Facebook)

Ang seminar rin daw ang naisip nilang paraan upang ipaalam sa iba na hindi ang kanilang kapansanan ang hadlang upang magkaroon ng komportableng pamumuhay, kinakailangan lang daw na magsumikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.