LBNHS – Poblacion balik eskwela na ngayong Setyembre

Ulat ni Jeffrey P. Mandagdag

Ang Los Baños National High School (LBNHS) – Poblacion ay nagpatupad na ng three-day face-to-face classes ngayong Setyembre para sa 1,307 na mga mag-aaral nitong nasa SPED hanggang Grade 10.

Ang mga mag-aaral ng SPED ay mayroong shifting classes dahil ito ay umabot na sa 50 mag-aaral na pinaglilingkuran ng mga guro na sina Gng. Rhea P. Barboza at Gng. Poebe O. Deanglkinay. Ang Grade 7 hanggang Grade 10 ay binubuo ng 32 sections na may kapasidad na maghatid ng pag-aaral at kasanayan sa paaralan mula 7:30 AM hanggang 4:20 PM, inilunsad din ng paaralan na isama sa asignatura ang RHGP at ang gawaing Pyschosocial Support Activities para mapatnubayan ang mga mag-aaral sa pagbabago o unti-unting transition sa kanilang pag-aaral.

LBNHS – Poblacion din ang kauna-unahan nag limited face-to-face classes noong nakaraang school year na nilahukan ng 537 na mag-aaral mula sa SPED hanggang Grade 10.

This slideshow requires JavaScript.

Mga litrato nina Rhea P. Barboza, Poebe O. Deangkinay, Sunshine Aguila, Dana Ghia L. Caoagdan, Ma. Charmina E. Cita

Ang paaralan ay naglunsad din ng Literacy and Numeracy Assessment na isinagawa noong Huly 25 hanggang Agosto 29 sa mga mag-aaral ng Grade 7. Ito ay layunin na matukoy at matulungan ang mga mag-aaral ng Grade 7 sa kasanayan nila sa Literacy at Numeracy, isinagawa ito ng mga guro na mula sa Filipino, English at Math Department. Hinggil dito, isinagawa ng paaralan sa pangunguna ni Gng. Leonila V. Murad, Principal IV, ang Psychological Test sa mga piling Grade 7 sa boluntaryong pagtulong nina Gng. Dianne L. Fernandez, PHSA Guidance Specialist II at Gng. Rhea P. Barboza noong Agosto 26, 2022.

Upang maging matagumpay ang implemetasyon ng three-day face-to-face classes ng paaralan, ang kakulangan sa mga armchairs ay tinugunan ng principal ng Lalakay Elementary School, sa pangunguna ng principal nitong si G. Ervin Crisostomo Reyes, na nagbigay ng 240 na armchairs.

Ang pagbabayanihan ng Municipal General Services / Engineering, kapulisan ng 402ND A Maneuver Company, Brgy. Chairman Gaudencio P. Catangay, Brgy. Chairman Francisco A. Dumangas, at ng mga kawani, kaguruan, magulang at mag-aaral ng Poblacion ay isang malaking kontribusyon upang maging matagumpay ang ligtas na pagbabalik eskwela.


Si Jeffrey P. Mandagdag ay Teacher III at Domain Leader in Curriculum and Learning mula sa Los Baños National High School (LBNHS) – Poblacion.