LBNHS-Poblacion ipinatupad na ang 100% F2F in-person classes

Ulat ni Jeffrey P. Mandagdag; Mga litrato nina Leonila V. Murad at Emelie L. Evangelio

Ang Los Baños National High School (LBNHS) – Poblacion ay ipinatupad na ang “5 Days-In-Person Face to Face to Classes” ngayong buwan ng Nobyembre alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 32, Series of 2022.

Ang paaralan ay nakiisa sa gawaing ito upang mas matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at bigyan diin ang mga aralin na dapat matutukan sa limang araw ng pagtuturo.

Ang class program para sa pag-aaral nila mula Lunes hanggang Biyernes ay magsisimula sa ganap na 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, ito ay binubuo ng siyam na aralin kung saan idinagdag ang “Revitalized Homeroom Guidance Program (RHGP)” na binigyan ng 20-minuto kada araw upang ituro ang mga leksyon tulad ng “study habits, students and community, mental health, moral values, at iba pa.”

Kahit dinaaan ng bagyong Paeng ang lalawigan ng Laguna, ang Pungungguro IV ng paaralan na si Gng. Leonila V. Murad ay positibo ang kalooban sa pagbabalik F2F ng kanilang mga mag-aaral.

Aniya, “Ito ang pagkakataon ng mag-aaral na higit pang bigyang pansin ang kanilang pag-aaral at kahusayan sa iba’t-ibang asignatura.”

Ang LBNHS-Poblacion ay nagbigay daan din sa mga proyekto at programa upang ang mga mag-aaral ay makaiwas sa depression at masasamang bisyo o gawain. Kung kaya’t iniludsad nito ang iba’t-ibang programa katulad ng PIPS Cheer Dance Troupe, Art Unlimited Organization, ALAB Teatro, Kasanayan sa Larong Volleyball at Basketball, Kasanayan sa Senior Scouts, at iba pa.

Ikinagalak ng mga guro at mga kawani na muling makasama sa bawat gawain at programa ng paaralan ang mga mag-aaral na nakasuot na rin ng “prescribed school uniform”.

Ang paaralan ay lubos na nagpapasalamat kina PSDS Gng. Eva Marie S. Cambe, Punongbayan-Kgg. Anthony F. Genuino, Sangguniang bayan ng Los Banos, Kapitan Francisco A. Dumangas at Sangguniang Brgy ng Timugan, SGC Officers, GPTA Officers, at SSG Officers sa kanilang taos-pusong suporta sa kaayusan at mga proyekto o gawain na ikakaunlad ng paaralan.