Mula sa pedestal ng akademya patungo sa mga nasa laylayan, ang 𝘬𝘪𝘭𝘢𝘱𝘴𝘢́𝘸 ng kaunlarang dala ng siyensaya ay madarama.
Handog ng LB Times ngayong paparating na National Science and Technology Week (NSTW) at Syensaya Los Baños Science Festival ang 𝙆𝙞𝙡𝙖𝙥𝙨𝙖́𝙬 — o ripple sa Ingles, isang serye ng mga maikling dokumentaryo at lathalain na tumatalakay sa mga buhay ng mga ordinaryong tao sa komunidad at kung paano naaapektuhan ang kanilang buhay ng siyensya. Tampok din dito ang ilang mga eksperto mula sa Los Baños at ang kanilang mga pananaliksik na nailimbag sa mga dekalidad na academic journals.
Ipapalabas ang mga dokumentaryo sa Facebook page ng LB Times kada Lunes, 6:00 PM, simula Nobyembre 21, 2022.
Ang mga produksyon na kabilang sa seryeng ito ay gawa ng mga estudyante ng DEVC 128: Science Journalism for Development ng College of Development Communication ng University of the Philippines Los Baños.
Ang litrato na ginamit sa poster ay kuha ni Jeremy Unson.