Ulat ni Rina S. Hisona
Isang guro mula sa Bayog Elementary School ay pinarangalang Asia’s Most Empowered Educator and Inspiring Humanitarian Advocate of the Year sa 6th Asia Pacific Luminaire Awards na ginanap sa Okada, Manila, noong Nobyembre 23.
Isang cancer survivor, si Ms. Alarice C. Banasihan, Teacher III, ay pinarangalan kasama ng iba pang mga local government units (LGU) ang mga prominenteng personalidad.
Isa rin siya sa mga ginawaran sa 2021 Gawad Makiling na isinagawa ng Department of Education of Los Baños (DepEd-LB).
Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa breast cancer, at sa mga pinansiyal na probisyon na kailangan kasama ng iba pang mga gastusin, nakapagbahagi pa rin siya ng mga pagpapala sa kanyang komunidad, nakasali siya sa iba’t-ibang outreach programs. Nanguna rin sin siya sa humanitarian projects tuwing panahon ng kalamidad at pambansang krisis katulad ng mga insidente ng pagbaha at bagyo sa Leyte at Tacloban.
Adbokasiya rin niya ang pagpapataas ng kamalayan sa breast cancer. Kasama siya sa paglululunsad ng SAVING a FIGHTER Movement- TSHIRT para sa benepisyo ng mga pasyente ng kanser. Nakipag-ugnayan din siya sa Saint Cabrini Cancer Institute sa pagbibigay ng simple ngunit hindi malilimutang kaganapan sa pagbibigay ng regalo.
Sapat din siyang nagmamalasakit upang magsimula ng isang community pantry sa panahon ng pandemya para sa kanyang komunidad na karamihan sa kanyang mga dating mag-aaral ay mga pangunahing donor. Naging isa rin siya sa mga sponsor ng taunang GIVING-in-TANDEM project ng Motorcycle Club Los Banos (MCLB).
Madalas siyang binibigyan ng citation ng kanilang Sangguniang Barangay para sa pagtulong sa mga evacuees sa feeding projects at food packs. Siya ay pinagkalooban bilang Most Outstanding Citizen ng Bayog noong Disyembre at ginawaran bilang Most Outstanding Teacher sa Gawad Kawayan (school-based) at Gawad Makiling (Los Banos District) na parehong 2021, na naging dahilan upang maging kwalipikado siyang maging Gawad Marangal (Division of Laguna) nominee bilang Most Outstanding Teacher for 2022.
Ayon kay Ms. Banasihan kahit na walang pagkilala, patuloy na kikirot ang kanyang puso para sa mga kapus-palad at tutulong sa tuwing may kailangan, kahit na ang parangal na ito ay nagbigay sa kanya ng motibasyon na magpatuloy na magtiyaga at mamuhay nang malusog.
Nagpasalamat siya sa Diyos sa pusong ipinagkaloob Niya sa kanya at sa lahat ng mga biyayang patuloy na natatanggap, sa kanyang mga magulang at kapatid, sa paggabay at inspirasyon at sa lahat ng taong patuloy na nagtitiwala at tumutulong sa kanya, Sanguniang Barangay ng Bayog at sa mga SK officers.
Umaasa si Ms. Banasihan na ang pagkilalang kanyang natanggap ay makakapagbukas ng marami pang oportunidad upang manilbihan sa komunidad.
MAGING LB TIMES CONTRIBUTOR. Mayroon ka bang istorya sa iyong komunidad na nais ibahagi? Ipadala ang iyong gawa sa Facebook page ng LB Times o i-email ito sa [email protected].