No.1 ang Booth No.1: LBNHS-Poblacion, wagi sa LB Trade Fair

Ulat ni Dana Ghia L. Caoagdan
Mga litrato mula sa Supreme Student Government – Los Baños NHS-Poblacion/Facebook

Nag wagi ng unang puwesto ang Booth No. 1 ng Los Baños National High School (LBNHS) – Poblacion sa ginanap na Disyembre na sa Bagong Los Baños Trade Fair sa Gen. Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin. Ito ay isa sa mga aktibidad ng Munisipyo ng Los Baños noong kapaskuhan.

Walang pagsidlan naman ang kasiyahan ng mga nanguna sa pagtatayo ng booth ng paaralan na pinangunahan ng Punongguro nito na si Gng. Leonila Murad, at ng ibanh mga guro ng paaralan na sina Emelie Evangelio, Ma.Lourdes Angeles, Ma. Lourdes Lim, Jeffrey Mandagdag, Regine Esperancilla, at John Kharlo B. Arquiza.

Katuwang din sa tagumpay na ito ang mga mag-aaral, maging ang mga utility worker na tumulong at nakibahagi sa pagpapaganda ng Booth No.1 ng LBNHS-Poblacion. Nagkamit ang paaralan ng P35k na gantimpala mula sa paligsahan at sertipiko ng pagkilala na nilagdaan ni Mayor Anthony F. Genuino.

Tinatayang sampung mga booth mula sa iba’t ibang paaralan mula elementarya hanggang senior high school ang kasali sa paligsahan.

Samantala, ang ibang mga kalahok sa trade fair ay nakatanggap naman ng P5k para masuklian ang kanilang pagod at pakiisa.


MAGING LB TIMES CONTRIBUTOR. Mayroon ka bang istorya sa iyong komunidad na nais ibahagi? Ipadala ang iyong gawa sa Facebook page ng LB Times o i-email ito sa [email protected].