Gandingan Awards 2023, muling nagbalik sa D.L. Umali

Ulat ni Marc Noel Bathan

Matapos ang tatlong taong birtwal na pagpaparangal sa Facebook Live ng Gandingan Awards, muli itong nagbalik sa  D.L. Umali Hall ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños noong Mayo 13, 2023.

Itinanghal at binigyang pugay sa Gandingan Awards ang mga mga natatanging lokal at nasyonal na istasyon, programa, at personalidad ng midya na nagtataglay ng development-orientedness.

Tangan ang temang “Kabuhayan, Buhay ng Bayan,” kinilala  ng The UP Community Broadcasters’ Society Inc. (UP ComBroadSoc), isang organisasyon mula sa UPLB College of Development Communication, ang pagsisikap at dedikasyon ng mga manggagawang Pilipino. 

Angkop din ang kabuhayan bilang tema dahil sa isyu ng inflation rate o pagtaas ng bilihin na patuloy na nagpapahirap sa bayan; gayundin ang  mga umusbong na kabuhayan sa gitna ng pandemya. 

Kaugnay ng Gandingan Awards 2023, nagkaroon ng apat na araw na trade fair sa Amphitheater ng Student Union Building simula noong ika-9 ng Mayo hanggang ika-12 ng Mayo, 2023. Sa tulong ng UPLB Business Affairs Office, labing-isang mga Micro-, Small- and Medium-sized Enterprises (MSMEs) ang inimbitahan bilang concessionaires sa nasabing kaganapan. Parte ng programa ang pagbibigay kaalaman tungkol sa mga panawagan at isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino, pati na rin ang kasalukuyang estado ng mga ito. 

Pagtitipon ng mga alagad ng midya

Dinaluhan din ang Gandingan Awards  ng iba’t-ibang  personalidad katulad nina Jervis Manahan at Edric Calma ng ABS-CBN, DJ Chacha ng Radyo5, CLTV 36, PTV, DOST-PCAARRD, DOSTv, at iba pa. Sa pagtatapos ng programa,  humakot ang GMA Network Inc. ng may kabuuang dalawampung parangal. Pumunta sina Melo Del Prado at Isa Avendaño-Umali ng DZBB at Julie Anne San Jose, Mav Gonzales, at Susan Enriquez, upang tanggapin ang kani-kanilang mga parangal. 

Pinasaya rin ng mga bigating performers, gaya ng boy band group na BGYO, Talahib People’s Music, Harmonya, Choral Ensemble, Umalohokan Inc. at Wyre Underground, ang mga tagapanuod sa loob ng teatro.

Alay na sayaw ng Wyre Underground para sa temang kabuhayan ng Gandingan Awards (Kuha ni Mary Angela Chozas)

Mga Gandingan Trophies na nilikha ng Department of Forest Products and Paper Science sa UPLB College of Forestry and Natural Resources

Mga itinanghal

Nahahati sa tatlong kategorya ang Gandingan Awards: ang General Awards, Core Awards, at Major Awards. Narito ang listahan ng mga nagwagi sa gabi ng parangal:

General Awards for Radio:

  1. DWLS Barangay Ls 97.1, Most Development-Oriented FM Station
  2. DZUP 1602, Most Development-Oriented AM Station
  3. Ted Failon And Dj Chacha Sa Radyo5 (Radyo5), Most Development-Oriented FM Program
  4. Saksi Sa Dobol B (DZBB), Most Development-Oriented AM Program
  5. Kurtesiya Na, Disiplina Pa (DZBB), Most Development-Oriented Radio Plug
  6. Barangay Love Stories (DWLS Barangay Ls 97.1), Most Development-Oriented Radio Drama
  7. Public Service Hour (DZRH),  Most Development-Oriented Radio Public Service Program

General Awards for Television:

  1. I Juander (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Magazine Program
  2. Public Eye (People’s Television Network, Inc.), Most Development-Oriented Public Service Program
  3. TV Patrol: Fishermen of Pag-Asa: Kabuhayan Ng Mga Mangingisda Sa West Philippine Sea (ABS-CBN), Most Development-Oriented News Story
  4. Siyensikat: Chocolate In Bohol (DOSTV: Science For The People), Most Development-Oriented Feature Story
  5. The Atom Araullo Specials: Mata Sa Dilim (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Documentary
  6. Hapag: Mga Kwento Ng Huli At Ani, Reporter’s Notebook Election Special (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Investigative Story
  7. Maria Clara at Ibarra (GMA Network, Inc.), Special Citation for Most Development-Oriented Drama Program 
  8. The Beast of Asia 2 (People’s Television Network, Inc.), Most Development-Oriented Children’s Program
  9. “Tayong Dalawa” For Limitless, A Musical Trilogy (GMA Network, Inc.), Special Citation for Most Development-Oriented TV Plug
  10. Limitless: Breathe (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Musical Segment/Program
  11. Bawal Ang Tsismis Kay Sonia Soto (CLTV36), Most Development-Oriented Talk/Discussion Program

General Awards for Online

  1. “Filipino Journalists Find Selves at Crossroads After Marcos Jr. Victory” (Xave Gregorio, Philstar.Com), Special Citation for Most Development-Oriented Online News
  2. “For Recovery’s Sake, Philippines Rescues ‘dirty’ Companies From Pandemic Hole” (Ramon Royandoyan, Philstar.Com), Most Development-Oriented Online Feature Article
  3. Letter from Tawi-Tawi (Atom Araullo, GMA Online News), Special Citation for Most Development-Oriented Photograph/Photo Story
  4. Beke (DWIZ), Most Development-Oriented Online Video

General Awards for Hosts and Personalities

  1. Czarina Marie “Dj Chacha” Guevara (Ted Failon Dj Chacha Sa Radyo5, Radyo5), Best FM Radio Program Host
  2. Melo Del Prado (Melo Del Prado Sa Super Radyo, DZBB), Best AM Radio Program Host
  3. Edric “Kuya E” C. Calma (Wow! Knowledge Channel Foundation, Inc.), Best TV Program Host
  4. Atom Araullo (State Of The Nation, GTV), Best News Anchor
  5. Maria Franisa “Isa” Avendaño-Umali (DZBB), Best Field Reporter

Core Awards for Programs

  1. Maria Clara at Ibarra (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Educational Program
  2. Lakbay Galing Series: Galing Ng Kababaihan: Chemical Pesticide-Free Integrated Backyard Farming In Bulacan (DOST-PCAARRD), Most Development-Oriented Women’s Program
  3. Now Youth Talk (Now You Know Ph), Most Development-Oriented Youth Program 
  4. Agri TV Central Luzon: Bausa Integrated Farms (CITV36), Most Development-Oriented Livelihood Program
  5. Born To Be Wild: Born To Be Kings (GMA Network, Inc.), Most Development-Oriented Environment Program
  6. Saribuhay: Barcoding Para sa Isda? Paano Nga Ba? (DOST PCAARRD), Most Development-Oriented Science And Technology Program
  7. i-Witness: Transnene (GMA Network, Inc.), Most Gender-Transformative Program
  8. Anong Say Nyo: 4ps or Pantawid Pamilyang Pilipino Program (DZBB), Most Participatory Program

Core Awards for Personalities

  1. Nora Cirilo Sagayo (BSU-on-the-Air), Gandingan ng Edukasyon
  2. Mel Tiangco (24 Oras, GMA Network, Inc), Gandingan ng Kababaihan
  3. Gab Bayan, Tricia Bersano, and Gina Donato (Iskoolmates, People’s Television Network, Inc.), Gandingan ng Kabataan
  4. Susan Enriquez (GMA Network, Inc.), Special Citation for Gandingan ng Kabuhayan
  5. Ted Failon (Radyo5), Special Citation for Gandingan ng Kalikasan
  6. Renato U. Solidum Jr. (DOSTv:Science for the People), Special Citation for Gandingan ng Agham at Teknolohiya

Major Awards

  1. DOST-PCAARRD, UP Combroadsoc’s Choice For Gandingan Ng Kabuhayan
  2. DOSTV: Science For The People, Gandingan Ng Kaunlaran

Ka Louie Tabing Memorial Achievement Award in Community Broadcasting

  1. Dr. Rogelio Matalang (President, PFRB)

Pinangunahan ni Public Service Head Margareth Callo ang pagpapakilala sa napiling partner community para sa Gandingan Awards 2023 (Kuha ni Mary Angela Chozas)

Pagpapakilala sa napiling Partner Community

Bahagi ng gabi ng parangal ang pagbibigay ng tulong sa napiling partner community ng organisasyon na Yakap sa Kaunlaran ng Bata Inc. na advocates ng Region IV-A CALABARZON. Layon ng partner community na magkaroon ng komunidad na may pantay na karapatan para sa mga kabataan maging sa mga kababaihan. 

Ayon kay UP ComBroadSoc Public Service Head Margareth Callo, inklusibong oportunidad para sa kabuhayan ang isa sa kanilang pamantayan sa pagpili ng partner community

“Tayo ay pumili ng isang organisasyon na hindi lamang pantay na karapatan ang isinusulong, kundi na rin ang pantay na oportunidad pati sa kabuhayan,” ani Callo. 

“Patunay lamang ito na ang kabuhayan ay kaugnay ng iba pang mga sektor ng lipunan, at sa pagsulong natin ng adbokasiya ng pag-unlad, nararapat lamang na ating i-angat din ang pwersa, kahit sa mga pinakamaliit na sektor ng lipunan,” dagdag ni Callo.

Pagpaparangal sa Bawal ang Tsismis ni Sonia Soto ng CLTV 36 bilang Most Development-Oriented Talk/Discussion Program (Kuha ni Mary Angela Chozas)

Sa nakalipas na labing-pitong taon, ang UP ComBroadSoc ay nananatiling nag-iisang organisasyong binubuo ng mga mag-aaral na nagbibigay ng parangal sa mga natatanging istasyon, programa, at personalidad sa buong bansa. Para sa mga alagad ng midya, ito ay isang hamon upang ipagpatuloy ang paggawa ng mga balita at programang may layong magpaunlad sa iba’t ibang sektor ng bayan. 

Para sa susunod na taon, ipinahayag ng presidente ng organisasyon na si Dara Miracle Montalbo na “agrikultura” ang magiging tema para sa Gandingan Awards.