2N METACARD: Tungo sa Paglinang ng Makabuluhang Pagbabasa

Ulat ni Lucila A. Robillon

Naging kalahok ang isang grupo ng mga gurong-mananaliksik ng Los Baños Bambang Senior High School sa 7th Cycle Basic Education Research Fund (BERF) ng Department of Education (DepEd) Region IV (Calabarazon) kung saan sila ay pinagkalooban ng pondo para maisagawa ang kanilang action research na pinamagatang 2N Metacard: A Reading Enhancement Program for the Selected Grade-12 Learners in Bambang Senior High School.

Ang nasabing mga guro ay sina Lucila A. Robillon, Richie P. Apacionado, at Gaspar Howell F. Minga na isinagawa ang kanilang pananaliksik noong kasagsagan ng pandemya noong 2022. Ang culminating activity ng 7th cycle ng BERF ay isinagawa noong Disyembre 12-14, 2022.

Sa mahigit 800 na mga panukala na isinumite ng iba’t ibang guro ng Calabarazon ay 100 lamang ang naabruhan, kasama ang panukala ng Bambang Senior High school.

This slideshow requires JavaScript.

Layunin ng pag-aaral na maiangat pa lalo ang antas ng mag-aaral tungo sa makabuluhang pagbabasa.

Kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral ng Grade 12 na may mataas na marka mula 85 hanggang 90 sa asignaturang Reading and Writing Skills. Sa resulta ng pag-aaral ng mga guro, napag- alaman na malaki ang naitutulong kung paano pumili ng karampatang uri ng babasahin ang mga guro para sa mag- aaral_at mga hamon kung ano ang magiging ebidensya ng kanilang mataas na pagbabasa tungo sa malikhaing pagsulat.

Ayon sa mga guro, batay sa kanilang pag-aaral, ay tunay na epektibo ang pagiging malikhain ng mga guro sa pagtuturo ng reading comprehension sa mga mag-aaral para makamit nila ang High Order Thinking Skills (HOTS). Ayon din sa kanila ay ang mga malikhaing guro ay magbubunga rin ng mga malikhaing mag-aaral na nakakapag-isip ng malaya, malalim, at makabuluhan na mahalaga sa anumang aspeto ng pag-aaral.


MAGING LB TIMES CONTRIBUTOR. Mayroon ka bang istorya sa iyong komunidad na nais ibahagi? Ipadala ang iyong gawa sa [email protected].