Ulat nina Sharmaine M. De La Cruz at Jean Wae G. Landicho
Ang makahanap ng mura, ngunit epektibo at ligtas sa kalusugan at kalikasan ay isang malaking suliraning kinakaharap ng mga magsasakang katulad ni Arnel Tandang, 53, mula sa Calauan, Laguna.
Inirerekomenda ang mga magsasaka na gumamit ng mga organikong pataba, buhat ng mga potensyal na panganib sa kalusugan na nauugnay sa mga kemikal na pataba. Dahil ang mga organikong pataba ay mas mura, ang mga magsasaka ay maaaring kumita ng mas malaki sa pamamagitan ng paggamit nito. Gayundin, bilang ang paggamit ng organikong pataba ay nagreresulta sa mataas na kalidad ng ani.
Si Arnel Tandang bilang may-ari ng AGT Seedling Supply, pangunahing layunin nila ay mapabuti ang kita ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang mga punla. “Bilang grower o producer sa organic ako kasi kapag na-develop mo yung halaman mas maganda, mas mura ang gastos,” banggit pa niya.
Samantala, isa sa mga solusyon upang mapanatili ang ating sistema ng pagkain ay sa pamamagitan ng produksyon nito na pagsasaka.
Ang mga magsasaka ang unang nakakaranas ng masalimuot na reyalidad sa sektor ng agrikultura. Tulad ni Arnel na isa sa mga pinagkukunan ng pangkabuhayan ang pagsasaka.
“Kunwari ikaw ay farmer, mayroon kang isang libo, papasok yung anak mo sa school yung pankain ninyo. Ano ang uunahin mo yung pagkain ng halaman mo, pagkain ninyo, o baon ng anak mo? Ibig sabihin yung isang libo mo nabawasan na di na pwede sa halaman”, ulat ni Arnel Tadang.
Dahil sa kawalan ng sapat na kita ng mga magsasaka, nawawalan o nababawasan ang pambili ng mga kinakailangan para sa mga halaman. Isa ito sa mga lantad na nararanasan na kung saan patuloy na sinasapit ng mga magsasaka hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga eksperto kung paano mapapababa ang gastos ng mga magsasaka pagdating sa pataba. Isa na rito ang bagong organikong pataba na isinusulong ng isang grupo ng scientist-entrepreneurs mula sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), ang HormoGroeTM, sa pangunguna ni Dr. Lilia M. Fernando ng Institute of Crop Science (ICropS) ng UPLB College of Agriculture and Food Science (CAFS).
Nagsimula ang teknolohiyang ito sa suporta ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) na nagbigay ng pondo sa Research and Development (R&D) at establishment ng university spin off. Upang mapabilis ang pag-access ng mga magsasaka sa mga teknolohiyang pang-agrikultura, ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture – Grants for Research towards Agricultural Innovative Solutions (SEARCA GRAINS) ay iginawad noong taong 2022 para sa proyektong, “Establishment of a Pilot Plant as Manufacturing Facility for HormoGroe™ Nanoencapsulated Plant Growth Regulators for High Value Production,” ng mga pananim bilang dagdag pondo sa pagsaayos ng pilot plant ng HormoGroeTM.
Pagdating sa benepisyo nito sa mga magsasaka, paliwanag ni Dr. Fernando, “Isang benefit niya dahil sa nanotechnology mas konti na lang yung amount na i-aapply nung farmer. Halimbawa, dati ay 100 ppm or 100 milligrams, ngayon kahit 1-10 ml pwede na para dun sa kanilang tanim. So malaking bagay yung kasi bawas sa kanilang gastos sa agricultural inputs nila.”
Nagsimula ang HormoGroeTM sa BioGroe, isang microbial inoculant na tumutulong sa pagpapalaki ng halaman sa tulong ng good bacteria na nanggagaling mismo sa lupa. Ngunit isang naging limitasyon nito ay application sa tissue culture. Kung kaya nag formulate ang research team ng plant growth regulators galling sa plant growth promoting bacteria.
“Ngayon sabi namin, bakit hindi natin i-extract yung pure compound na yon, well hindi naman talaga kailangan pure, pero we need to extract for them to use as active ingredient,” sabi ni Dr. Fernando.
Sa pamamagitan ng nanoformulation pagkatapos magpakatas sa tatlong bacteria; oxine, cytokinin, gibberellin, napapanatili nito ang laki ng butil para mas masipsip ng mga halaman. Dagdag pa rito ang kontroladong paglalagay ng HormoGroeTM dahil ito ay encapsulated.
Isa sa mga naging basehan ng pagiging epektibo ng HormoGroeTM ay ang pakikipagtulungan ng nila Dr. Fernando sa ilang mga magsasaka. Ayon sa pakikipanayam kay Dr. Fernando, nakatulong ang HormoGroeTM sa fruit setting ng tanim na Cacao ng magsasaka sa Zamboanga.
“So natuwa kami pagbalik, na-induce nga raw yung fruit setting ng kanyang cacao so isa yun sa magandang result namin, masaya siya dun di na sya bumili ng mga synthetic na mga hormones,” aniya pa niya.
Para naman sa mga magsasakang katulad ni Tandang, may magandang dulot sa kanilang pananim ang natural fertilizer hindi lang sa halaman kundi pati na rin sa lupang tinataniman nito. Nababawasan ang mga peste na umaatake sa tanim at binabalik ng natural fertilizer sa magandang kondisyon ang lupa. Mas maraming nutrients ang masisipsip ng halaman at nagbabago rin ang water hold capacity nito.
“Yung idea sa plant growth hormone maganda yun kasi pabibilisin niya ang produksyon ng halaman kaya lang ang problema nila hindi alam kung paano ituro sa farmer na naman, yan ang problema din sa gobyerno natin may mga bagong technology pero ‘di ma-adapt ng farmer kasi hindi natuturuan,” aniya.
HormoGroeTM Nanoformulated Plant Growth Regulators likha ng mga scientist-entrepreneurs ng UPLB
“We hope na masustain nga ‘to hindi tulad nung mga naunang technologies na hanggang journal publication o nakashelf lang sa mga university cabinets natin o display area na hindi naman nagagamit nung farmers. Yun talaga yung gusto namin, yung magamit siya ng farmers at matuwa yung farmers dun sa technology.”
Sa kasalukuyan ay ongoing ang efficacy trials para sa product registration ng HormGroeTM para sa Fertilizer and Pesticide Authority. Sila ay patuloy na nakikipag tulungan sa iba’t ibang institusyon bago pa ang pandemic hanggang sa kasalukuyan.