Covered court ng Niugan ES, ginamit bilang voting precinct

Jeaver Aoanan

Nagsilbing voting precinct ang covered court ng Niugan Elementary School sa Cabuyao, Laguna dahil sa kakulangan ng mga classroom

Ayon kay PPRCRV Volunteer Lowell Cometa, mahigit 22,000 ang botante sa Brgy. Niugan.

Sa parehong lugar din nakatalaga ang Emergency Accessibility Polling Place o EAPP para sa mga Persons With Disability, Senior Citizens, at Heavily Pregnant Women.

Kapansin-pansin din ang mahabang pila ng mga botante sa Voters’ Assistance Desk na naghahanap ng kanilang precinct number.

Samantala, marami ring nakapaskil na mapa ng paaralan upang makatulong sa paghahanap ng mga botante ng kani-kaniyang mga presinto.