Ilang botante, nagreklamo sa mabagal na sistema sa Ricardo A. Pronove ES

Portia B. Angeles

Sa kabila ng masamang panahon, dumagsa ang di mabilang na mga botante ng Brgy. Ibabang Butnong, Magdalena, Laguna ganap na alas otso ng umaga sa Ricardo A. Pronove Elementary School. Sa kabila ng maayos na daloy ng sistema ng sekyuridad, ilang botante ang nagreklamo dahil sa bagal ng serbisyo na ibinibigay ng mga namamahala. “Dapat ay sila na ang nagsusulat ng aming pangalan sa papel para mas mapabilis ang sistema, abutin pa kami ng alas kuwatro dito” wika ng isang botanteng senior citizen

Maraming mga kabataang first-time voters na dumating upang suportahan ang kanilang kandidato. Unti-unti ring nagdatingan ang mga kandidato ng iba’t-ibang partido upang bumoto.