Mabilis na pagdaloy ng pagboto, naranasan sa Tomas Daguinsin ES, Victoria

Lloyd Danniel Laraño

Naging mabilis ang pagdaloy ng botohan ngayong hapon sa Tomas Daguinsin Elementary School, Victoria, Laguna. Mapapansing maluwag na ang pila sa iba’t ibang precincts, dahil karamihan ng mga residente dito ay nakaboto na kaninang umaga, ayon sa poll watcher na si Gerly A. Morales. Dagdag ni Morales, mas maiksi na ang pila ngayong hapon kumpara kaninang umaga, kaya naman batid sa mukha ng mga botante ang kasiyahan sa kanilang mabilis na pagboto.