Mga botante sa San Ramon ES, Canlubang unti-unti nang nadagsa

Kate Christian Ravelo

(6:40AM) Dalawampung minuto bago magsimula ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, unti-unti nang dumarating ang mga botante sa kani-kanilang mga presinto dito sa San Ramon Elementary School, Canlubang, ang pinaka-malaking voting center sa barangay.

Maraming botante ang naghahanap ng kanilang precinct number sa malaking tarpaulin sa gate ng paaralan. May ilan naman nagtatanong sa Voters’ Assistance Desk (VAD) ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Ang iba naman ay nakapila na sa kani-kanilang precinct kahit hindi pa nagbubukas ang mga ito para sa pagboto.

Inaasahan na malaking porsyento sa humigit kumulang 75,000 ng mga botante sa Brgy. Canlubang ang boboto sa SRES ngayong araw.