Mga botante sa Sta. Cruz ES, matiyagang naghihintay sa pila upang makaboto

Charlene Mae Arkaina

Alas-sais pa lamang ng umaga ay dumagsa na ang mga botante ng Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng San Pablo, Laguna.

Mayroong apat na silid-aralan na nakatalagang voting precincts sa nasabing barangay. Ayon sa mga naunang nakapilang botante, nagsimulang bumagal ang usad ng pila dahil sa masusing proseso ng pag-verify ng mga pangalan sa opisyal na listahan ng COMELEC. 

Samantala, nasusunod naman ang dedicated lane para sa mga senior citizens. Ilan sa kanila ay mayroong mga kasamang voting assistants gaya ng mga anak o apo na tumutulong sa pagsulat sa balota. 

Ayon sa mga PPCRV volunteers, mainam kung alam na ng mga botante ang kanilang precinct numbers at number sa listahan ng COMELEC upang mas mapabilis ang verification at umusad kaaagad ang pila. Ilan sa mga botanteng nasa pila ay gumagamit ng kanilang smartphones upang alamin ang mga impormasyong ito sa online portal ng COMELEC.