Jessica C. Arcibal
Alas-syete ng umaga nang buksan ang dalawang presinto ng Bukal Elementary School sa Cavinti, Laguna. Bandang alas- otso ay nagdatingan ang mga botante kasabay ng malakas na ulan.
Ilan sa mga botanteng maagang dumating upang bumoto ay ang mga kamag-anak ng mga kandidato, mga kabataan na naghahanap ng kanilang assigned precincts, mga magulang na nagnanais makauwi agad dahil sa mga naiwang gawaing-bahay, at senior citizens.
Inaasahan na magtutuloy-tuloy pa ang pagdagsa ng mga tao sa mga susunod na oras bagamat masama ang panahon.