Pagdagsa ng mga botante sa Bubukal ES, Sta. Cruz, Laguna, tinutukan ng mga volunteers

Shereena Marie S. Dimero

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga botante sa Bubukal Elementary School ng Sta. Cruz, Laguna. Hindi naman ito naging hadlang para sa ating mga botante na mag-bigay ng kanilang mga boto.

Ayon kay Jastine Almario, isang Poll Watcher, ala-sais pa lamang ng umaga ay dumating na siya sa presintong kaniyang dapat na bantayan.

Pahayag pa niya, “Sa precinct na binabatayan namin, medyo matagal yung proseso pero maayos naman at talagang tutok din. Dahil nga sinusunod nila ang process, kaya natatagalan talaga.”

Kapansin-pansin naman na kaunti lamang ang mga kabataang edad 15-17 na bumoto nang maaga. Ayon pa rin kay Almario, ang dumadagsang mga botante ay mga senior citizen at mga regular voters pa lamang. Gayundin, may ilang mga botante na nahihirapan mahanap ang kanilang mga presintong pagbobotohan.