Leeyan Santos
Patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa Bigaa Elementary School ngunit kasabay nito ang usad pagong na daloy ng pila sa mga presinto.
Matagal naghintay ng mga botante bago makapasok sa loob ng presinto dahil sa mabagal na proseso ng pagboto. Ani JM Navea, isang first-time Barangay at SK voter, inabot siya ng 30 minuto sa pila pa lamang papasok sa kanyang precinct. Dagdag niya, natagalan din siyang bumoto dala ng masusing pagpili niya ng mga kandidato bilang unang beses pa nga lang niyang boboto. Ayon naman kay Chona Allasas, isa ring botante, inabot siya ng mahigit 20 minuto sa pagboto dahil sa mismong secrecy folder pa lamang siya pumili ng kaniyang mga iboboto.