Volunteers sa Bubukal, Santa Cruz Laguna, patuloy ang paglilingkod sa kabila ng mga pagsubok

Euvelyn Estellero

Sa kabila ng pabago-bagong panahon at pagbagal ng trapiko, patuloy pa rin ang botohan sa Paraalang Elementarya ng Bubukal Sta. Cruz Laguna.

Kwento ni Gabriel Jalos, isang PPRCV Volunteer, “Kahit pabago-bago ang lagay ng panahon at kahit maraming tao, isama mo pa ang traffic, ay obligasyon naming magpanatili ng maayos, payapa, at malinis na botohan para sa kinabukasan ng komunidad ng bawat barangay na aming binabantayan ngayong eleksiyon.”

Nakabantay naman ang ilang myembro ng kapulisan upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa lugar, kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari.