Ulat ni Alessandra Arceta
Ang Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Laguna Chapter ay nagsagawa ng oryentasyon noong ika-22 ng Mayo 2024 sa Conference Room ng Munisipyo ng Calauan na dinaluhan ng mga kalalakihang miyembro ng iba’t ibang MOVE chapters mula sa mga bayan ng Laguna.
Kasama sa mga ito ay ang Calauan, Sta. Maria, Pagsanjan, Pangil, Sta. Cruz, Pakil, Magdalena, San Pablo, Alaminos, Biñan, Cavinti, Mabitac, Paete, Majayjay, Kalayaan, at Siniloan. Kasama rin ang MOVE ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa katauhan nina Melvin L. Cordez (President), Pius Morillo (Vice President), at Jullie-Ann C. Reyes mula sa UPLB Gender Center.
Ang MOVE ay isang programang pinangungunahan ng Philippine Commission on Women (PCW) na nanghihikayat sa mga kalalakihan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na makilahok sa mga adbokasiyang naglalayong wakasan ang karahasan sa mga kababaihan at magsulong ng gender equality.
Sa pangunguna ni Nelson S. Bautista, ang Vice President of Internal Affairs ng MOVE-Laguna, ang programa ay iginaod katuwang ang Moral Development Office ng Provincial Government of Laguna. Ilan sa mga kalahok na mga
Ang layunin ng oryentasyon ay linawin ang kahulugan, kahalagahan, at layunin ng samahang MOVE, talakayin ang mga susunod na proyekto, at maghalal ng mga bagong opisyales para sa Laguna Chapter.
Inihayag ni Rhodora Teresa Valencia, representante ni Mayor Roseller G. Caratihan, ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng pagpapakilala sa bayan ng Calauan at pagpapahayag ng mga proyektong isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Calauan para sa social welfare ng mga mamamayan. Kasunod nito, nagbigay pasasalamat si Renato D. Espinase sa lahat ng dumalo sa oryentasyon
Ipinadala ni naman ni Bautista ang mensahe ni Gov. Ramil L. Hernandez, kasama ang mga plano para sa MOVE-Laguna na naglalayong magtatag ng pederasyon upang matugunan ang mga isyu ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa lalawigan ng Laguna at paigtingin ang mga aktibidades ng samahan. Dagdag pa rito, hindi inaasahan ang pagdating ni Congresswoman Ruth Mariano-Hernandez na nagbigay papugay sa mga dumalo at sa samahang MOVE bilang kinatawan ng gobernador.
Pinamunuan ng President ng MOVE-Laguna na si Ronald A. Abarro ang unang parte ng oryentasyon kung saan tinalakay niya ang kahulugan at kahalagahan ng MOVE, ang misyon at pangitain nito, pati na rin ang tungkulin ng bawat miyembro. Kasunod nito, nagkaroon ng malalim at malawak na talakayan hinggil sa Republic Act No. 9262 na pinangunahan ni Richmond Thomas A. Reyes, ang Vice President of External Affairs ng MOVE-Laguna.
Matapos ang oryentasyon, nagkaroon ng botohan para sa pagpili ng mga bagong opisyales ng MOVE-Laguna. Ang mga nahalal sa posisyon ay ang mga sumusunod:
- President – Carlo Glenn M. Borlaza ng Pakil
- Vice President – Marcelo A. Sogelio ng Pagsanjan
- Secretary – Rudy P. Manzano ng Alaminos
- Treasurer – Wilfredo G. Tuso ng Siniloan
- Auditor – Paul Royce C. Andal ng Sta. Cruz
Ang naganap na oryentasyon ng MOVE-Laguna ay nagmarka ng isang mahalagang hakbang tungo sa paglaban sa pang-aabuso sa kababaihan at kanilang mga anak sa lalawigan ng Laguna. Ang pagkakaisa at pakikilahok ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa layunin ng MOVE.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga aktibidad at paano makiisa, mangyaring makipag-ugnayan sa *contact ng MOVE* o bisitahin ang Facebook page na Laguna Provincial Information Office.
Patuloy tayong humakbang papunta sa isang mundong walang karahasan.
VAWC Hotlines (Laguna Province):
- Provincial Police Office – 0921-904-8838 / 0917-383-1684
- Provincial Social Welfare & Development Office – (049) 501-1066
- Women & Children Protection Unit – 0917-996-7169
- Public Attorney’s Office – (049) 813-7958 / (049) 810-4190