National Disability Rights 2024

Likha at Teksto ni Kristia Reodica

Sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2024, ipagdiwang natin ang kakayahan ng bawat isa at itaguyod ang pantay na karapatan para sa lahat. Ayon sa Proclamation No. 957, ipinahayag ang Hulyo 17-23 bilang “National Disability Rights Week” na may layuning palakasin ang kamalayan at suporta sa mga taong may kapansanan sa ating lipunan. Magkaisa tayo upang matamo ang tunay na pagkakapantay-pantay at pag-unlad para sa lahat!