Likha at Teksto ni Kristia Reodica
Sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, magkaisa tayo upang palakasin ang ating mga komunidad laban sa mga likas na sakuna o kalamidad. Ang buwang ito ay nagpapaalala sa ating lahat—mga indibidwal, pamilya, at mga organisasyon—na magtulungan upang maging handa sa anumang pangyayari.
Ang pagiging handa, pagiging mahinahon, at kalmado sa anumang sitwasyon ay napakahalaga upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng mga sakuna.