Ulat nina Benn Hernandez at Charisse Platon; Grapiko ni Khamille Hyacinth Gilo
Narito ang mga opisyal na kandidato para sa Halalan 2025 sa Los Baños, Laguna. Ang listahan ay binubuo ng mga bihasang lingkod-bayan at mga bagong personalidad na naglalayong maglingkod sa bayan. Sa darating na halalan, magtatagisan sila para sa mga posisyon bilang gobernador, kongreso, alkalde, bise-alkalde, at konsehal. Bawat isa ay may sariling plataporma at layunin para sa kinabukasan ng Los Baños. Inaasahan ang isang masiglang halalan habang ang mga botante ay pumipili ng mga lider na magdadala ng progreso sa bayan.
LIST BELOW:
Para sa mga kandidato sa pagka-kongresista at lokal, ang pangangampanya ay magsisimula ng Marso 28, 2025 at magtatapos sa Mayo 10, 2025. Ipinagbabawal naman ang pangangampanya sa buong Pilipinas sa Abril 17-18, 2025 at Mayo 11-12, 2025.
Hinihikayat ang mga botante ng Los Baños na pag-aralang mabuti ang mga kandidato at kanilang plataporma upang makapamili ng mga lider na may kakayahan at integridad na magtaguyod ng maliwanag na kinabukasan para sa bayan.