Ulat ni Marian Zoe Ramirez
Kailangan magtulungan ng siyensya, polisiya, at lipunan upang mapaunlad ang seguridad sa pagkain.
Ito ang naging sentro ng talakayang pinangunahan ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) na ginanap noong ika-24 ng Marso 2025, sa SEARCA Drilon Hall. Pinamagatang “Food Systems Transformation: Imperative of Strengthened Interface between Science, Policy, and Society,” ito ay bahagi ng kanilang Agriculture and Development Seminar Series.
Binigyang diin ng tagapagsalita na si Dr. Shenggen Fan, Chair propesor at dekano ng Academy of Global Food Economics and Policy (AGFEP) ng China Agricultural University (CAU), ang kahalagahan ng praktikal na aplikasyon ng pananaliksik sa lipunan, lalo na sa larangan ng siyensya, pagkain, at agrikultura.
Tinalakay niya ang kahalagahan ng Food Systems Transformation at ang papel ng siyensya dito, lalo na sa pag-abot ng Sustainable Development Goals (SDGs). Binanggit ni Dr. Fan na noong 2011, sa unang Food Systems Summit sa New York, napag-usapan ang iba’t ibang mga isyu gaya ng gutom, malnutrition, lumalawak na inequality, climate change, at pagbaba ng resources, na dapat bigyan ng pansin. Matapos ang dalawang taon, kahit medyo naibsan ang kagutuman, naging problema naman ang obesity, at hindi pa rin nakikinabang ang mga babae, kabataan, at mga ordinaryong magsasaka sa Food Systems Transformation.
Napag-usapan din ang mga dapat isaalang-alang ukol sa Science-Policy-Society Interfaces (SPSI). Binigyang-diin ni Dr. Fan na hindi lang dapat tumigil ang sa siyensa at polisiya, ngunit kailangan ding maibahagi sa lipunan ang mga makakalap mula dito. Inisa-isa rin ang sistema at tungkulin ng SPSIs, at ipinaliwanag niya ang mga karanasan ng iba’t ibang organisasyon, kabilang na ang mga nasa China. Dagdag pa niya na dapat tingnan din ang kakaibang kondisyon at konteksyo ng mga rehiyon sa mundo at ang kanilang mga pangangailangan.
Inisa-isa niya rin ang sistema at tungkulin ng Science-Policy-Society Interfaces (SPSI), at ipinaliwanag ang mga karanasan ng iba’t ibang organisasyon, kabilang na ang mga nasa China.
Sa huli, natukoy ang mga hamon na kinakaharap kaugnay sa SPSIs. Pinag-usapan ang kakulangan sa kapasidad pagdating sa siyensa, kagamitan, at pera. Hindi rin nabibigyang halaga ang Food Systems Transformation, lalo na pagdating sa ibang mga stakeholders tulad ng mga marginalized. Hindi rin akma ang ibang mga polisiya na nagagawa, dahil kadalasan, hindi naaayon sa isa’t isa ang polisiya na gusto ipasa ng mga ministeryo sa gobyerno.
Para matugunan ang mga hamong ito, nagbigay ng nga rekomendasyon si Dr. Fan. Una, kailangan ng epektibong pamahalaan, para matugunan ang iba’t ibang komunidad. Maari ring pag-isipan ang buong systema, para ma-coordinate ang mga ministeryo sa pamahalaan. Ayon kay Dr. Fan, mahalaga ring i-forecast ang impormasyon. Maari ring i-fund ang mga maliliit na organisasyon upang matugunan ang iba-ibang katangina, tulad nalamang sa diyeta, na nakadepende sa lugar. Maaring mapagsama ang lahat ng networks sa isang mas malaking network para mas maka-collaborate ang lahat, at makagawa ng maayos na mga solusyon.
Nagtapos ang kanyang presentasyon sa pagpapakilala sa World Agrifood Innovation Conference (WAFI), isang kumperensya na naglalayong ibahagi ang iba’t ibang inobasyon at ideya mula sa mga tao na galing iba’t ibang bansa.
Ayon kay Dr. Fan, ang inobasyon na tinutukoy ay hindi lamang tumitigil sa siyensa. Isinasaalang-alang din nito ang polisiya, institusyon, at kasanayan sa negosyo, upang tuluyang umusbong ang Food Systems Transformation at matugunan ang mga SDGs.