Ulat ni Saarah Karyll Papa
Itinanghal na kampeon ang 3HDC mula Pasig City sa Bailamos Dance Battle na ginanap sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center noong ikalawang araw ng ika-24 na Bañamos Festival.
Bumida ang grupo sa kanilang koordinasyon, matatag na presensya sa entablado, at orihinal na estilo na nagbigay-buhay sa gabi ng kompetisyon.
Hindi rin nagpahuli ang Nocturnal Dance Company mula Quezon City na nagtamo ng 1st runner-up, at ang GOODINGS mula Sta. Mesa, Maynila na kinilala bilang 2nd runner-up.
Sa pangunguna ni Hon. Rand Eduardo R. De Jesus, Municipal Councilor at coordinator ng paligsahan, lumahok ang dalawampung grupo mula sa iba’t ibang lugar na nagtagisan ng talento at naghandog ng makabagbag-damdaming koreograpiya at malikhaing galaw.
Higit pa sa kumpetisyon, layunin ng Bailamos Dance Battle na gawing bukas na entablado ang Bañamos Festival para sa mga Pilipino upang ipamalas ang talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa sining at diwa ng sayaw.
