Ulat nina Lovely Rhed Sayco at Vincent Moreno
Sa pagtatapos ng taon, sariwa pa rin ang alaala ng malalakas na bagyong tumama sa Laguna at iba pang bahagi ng bansa, mula kay Uwan hanggang Nando, na nagdulot ng pagbaha, paglikas, at pinsala sa kabuhayan. Sa gitna nito, patuloy ang usapin tungkol sa umano’y korapsyon sa mga flood control projects. Muling ipinapaalala ng mga bagyong nagdaan na nananatiling buhay ang panawagan para sa tunay na pananagutan at maayos na pamamahala sa pondo para sa disaster preparedness at kaligtasan ng mamamayan.
Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot na sa 22 ang kabuuang bilang ng tropical cyclones ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagpasok ng huling kwarter ng taon. Lumampas na ito sa karaniwang dalawampung bagyo na inaasahang pumasok o mamuo sa bansa kada taon.
Sa Laguna, direktang naapektuhan ang ilang malalakas na bagyo ngayong taon. Nakararanas ang probinsya ng malawakang pag-ulan, baha, at pinsalang agrikultural dulot ng pagdaan ng mga sistemang ito.
Ngayong 2025, nagsimula ang talaan ng bagyo kay Auring noong Hunyo na tumama sa probinsya ng Zambales. Sinundan naman ito ng tatlong magkakasunod na bagyo noong Hulyo na sina Bising, Crising, Dante, at Emong, na nagdulot ng malawakang pinsala sa kabahayan, agrikultura, at imprastraktura.
Noong Agosto, limang bagyo naman ang naitala sa bansa kabilang na rito sina Fabian, Gorio, Huaning, Isang, at Jacinto. Sa listahang ito, si Jacinto ay may naitalang pinakamalawak na kabuuang pinsala sa maraming sektor, at karamihan sa mga ito ay nagdulot naman ng pinsala sa kabahayan at ilang bahagi ng imprastraktura. Limang bagyo rin ang dumaan sa bansa noong Setyembre, kabilang na sina Kiko, Lannie, Mirasol, Nando, at Opong, kung saan tatlo sa mga ito (Mirasol, Nando, at Opong) ang nagdulot ng malawakang pinsala sa agrikultura at imprastraktura, na umabot sa bilyong halaga.
Apat na bagyo naman ang tumama sa bansa noong Oktubre, kabilang na sina Paolo, Quedan, Ramil, at Salome. Sa listahang ito, ang bagyong Paolo ang naitalang may pinakamalaking pinsala sa kabahayan at agrikultura. Nitong Nobyembre naman, nagtala ng pinakamatinding epekto sa tao at ekonomiya sina Tino, Uwan, at Verbena kung saan nangunguna si Tino sa nagdulot ng matinding pinsala sa tao at kabahayan, habang si Uwan naman ang may pinakamalaking pinsala sa agrikultura.
Sa datos na ito, ang buwan ng Hulyo at Setyembre ang pinagmulan ng maraming mga bagyo samantalang ang Nobyembre naman ang may pinakamalawak na epekto sa tao at kabahayan.
Batay sa pinakamataas na naitalang lakas o intensity ng hangin habang nasa PAR, Nando ang naiulat na may pinakamalakas na hangin na umabot ng 205 kph, sinundan ni Uwan na umabot naman ng 185 kph. Magkaparehong lakas ng hangin naman ang dinulot ni Gorio at Tino na may 155 kph, habang si Bising naman ang pumapangalawa sa pinakamahina na may 140 kph.
Ang limang pinakamapinsalang bagyo batay sa lakas o intensity ng hangin (kph):
- Nando – 205 kph (Super Typhoon)
- Uwan – 185 kph (Super Typhoon)
- Gorio – 155 kph (Typhoon)
- Tino – 155 kph (Typhoon)
- Bising – 140 kph (Typhoon)
Batay sa bilang ng mga nasawi, ayon sa pinakahuling datos ng PAGASA at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking bilang ng mga nasawi ang naitala sa bagyong Tino nitong Nobyembre na umabot sa 232 katao. Sinundan naman ito ng tatlong magkakasunod na bagyong tumama sa bansa noong Setyembre na sina Mirasol, Nando, at Opong na nagdulot ng 42 na mga nasawi at mga bagyong Crising, Dante, at Emong noong Hulyo na kumitil ng 34 katao. Dalawampu’t anim naman ang naitalang nasawi sa bagyong Uwan ngayong Nobyembre.
Ang limang pinakamapinsalang bagyo batay sa bilang ng mga apektadong indibidwal, namatay, sugatan, at nawawala:
- Crising, Dante, Emong (Hulyo) – 10,078,298 apektadong indibidwal, 34 nasawi, 29 sugatan, 7 nawawala
- Uwan (Nobyembre) – 7,900,609 apektadong indibidwal, 26 nasawi, 47 sugatan, 2 nawawala
- Tino (Nobyembre) – 5,458,858 apektadong indibidwal, 232 nasawi, 523 sugatan, 112 nawawala
- Mirasol, Nando, Opong (Setyembre) – 4,572,776 apektadong indibidwal, 42 nasawi, 41 sugatan, 14 nawawala
Sa kabahayan, nangunguna si Uwan na nagdulot ng pinsala sa humigit kumulang 266,000 na mga tahanan, na siyang pinakamalaki sa taon. Sumunod sina Mirasol, Nando, at Opong na naminsala sa 140,044 kabahayan habang si Tino naman ay nagdulot ng pinsala sa 139,949 kabahayan, na halos kapantay ng nasabing grupo ng mga bagyo. Naitalang pumatak naman sa halagang PHP 12,400,000 ang pinsala sa kabahayan ang dinulot ni Bising samantalang si Paolo naman ay nagdulot ng PHP 804,360 na halaga ng pinsala sa kabahayan.
Ang limang pinakamapinsalang bagyo batay sa epektong dulot sa kabahayan:
- Uwan (Nobyembre) – 266,675 kabahayan
- Mirasol, Nando, Opong (Setyembre) – 140,044 kabahayan
- Tino (Nobyembre) – 134,949 kabahayan
Kaugnay nito, pinakamatindi naman ang pinsalang dinulot ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong noong Hulyo pagdating sa agrikultura na may kabuuang halaga na PHP 3,159,733,667 bilyon habang ang pinagsamang datos naman kina Mirasol, Nando, at Opong noong Setyembre ay pumatak sa PHP 2,312,911,505 halaga ng pinsala. Ang bagyong Uwan naman ay nagdulot ng pinsala na nagkakalagang PHP 2,000,706,167.45, samantalang si Tino naman ay nagdulot ng PHP 968.16 milyon kabuuang pinsala sa agrikultura. Panglima naman sa listahan ang bagyong Paolo na umabot sa PHP 162.73 milyon ang halaga ng dinulot na pinsala sa agrikultura ng bansa.
Ang limang pinakamapinsalang bagyo batay sa epektong dulot sa agrikultura:
- Crising, Dante, Emong (Hulyo) – PHP 3,159,733,667
- Mirasol, Nando, Opong (Setyembre) – PHP 2,312,911,505
- Uwan (Nobyembre) – PHP 2,000,706,167.45
- Tino (Nobyembre) – PHP 562,429,211
- Paolo (Oktubre) – PHP 105, 389, 280
Pinakamalaking pinsala pa rin sa imprastraktura ang iniwan nina Crising, Dante, at Emong na umabot sa halagang PHP 16,506,257,464.1 habang si Uwan naman ay may naiulat na pinsalang umabot sa PHP 2,680,533,852. Kabilang din sa listahan ang mga bagyong Mirasol, Nando, at Opong na nagdulot ng pinsalang humigit kumulang PHP 1.8 bilyon at si Tino naman ay may kabuuang PHP 179,682,035 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Ang limang pinakamapinsalang bagyo batay sa epektong dulot sa imprastraktura:
- Crising, Dante, Emong (Hulyo) – PHP 16,506,257,464.1
- Uwan (Nobyembre) – PHP 2,680,533,852
- Mirasol, Nando, Opong (Setyembre) – PHP 1,878,395,789
- Tino (Nobyembre) – PHP 179,682,035
Bukod dito, batay sa pinagsamang datos, ang Crising, Dante, at Emong noong Hulyo ang may pinakamalawak na kabuuang halaga ng pinsala sa kabahayan, agrikultura, at imprastraktura na umabot sa PHP 21,379,523,616.24 na siyang sinundan ng Jacinto noong Agosto na nagdulot ng kabuuang pinsala na PHP 710,000. Batay naman sa kombinasyong datos mula sa pinsala sa kabahayan at imprastraktura, si Jacinto ay nagdulot ng pinsalang umabot sa PHP 710,000 halaga.
Ayon sa datos ng PAGASA, limang pangunahing lalawigan ang madalas na nakaranas ng matinding buhos ng ulan ngayon taon, kabilang na rito ang Aurora, Batanes, Benguet, Baguio City, at Zambales.

DOST-PAGASA: Magkasunod na pagbaybay nina Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan sa PAR nitong Nobyembre
Apat sa mga naitalang bagyo ngayong taon ang tumama sa probinsya ng Aurora kabilang na ang bagyong Jacinto, Mirasol, Aurora, at Uwan, na nagdulot ng malalakas na bugso ng ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang mga bayan. Dahil nakaharap sa Pacific coast, nananatiling isa ang lalawigan sa mga direktang tinatamaan ng mga bagyong mula sa silangan.
Tig-dalawang bagyo naman ang dumaan sa mga probinsya gaya ng Batanes (Gorio Salome), Benguet (Crising, Fabian), Baguio City (Dante, Emong), at Zambales (Auring, Isang). Kaya naman, habang papalapit ang pagtatapos ng taon, nananatiling nakaantabay ang lokal na pamahalaan sa patuloy na pagbabago ng klima at posibilidad ng mas matinding bagyo ngayong Disyembre.
PAGASA sa klasipikasyon ng bagyo batay sa lakas ng taglay nitong hangin at ang Tropical Cyclone Wind Signals o TCWS
Batay sa ulat ng PAGASA, sa loob ng isang taon, walo hanggang siyam (8 hanggang 9) sa mga tropical cyclone sa Pilipinas ay karaniwang dumadaan malapit sa mga kalupaan. Dahil dito, patuloy ang pagmamatyag ng mga ahensya sa posibleng epekto ng nalalabing tatlong bagyo sa pagtatapos ng 2025.
Anya mahalaga maunawaan din ang klasipikasyon ng mga bagyo batay sa lakas ng taglay nitong hangin. Itinuturing na tropical depression ang may pinakamahinang hangin, na may maximum sustained winds na hindi hihigit sa 61 kph. Kapag umabot naman sa pagitan ng 62 hanggang 88 kph ang hangin, ito ay tinatawag nang tropical storm. Mas malakas dito ang severe tropical storm, na may lakas ng hangin mula 89 hanggang 117 kph.
Ang isang bagyo ay mapapabilang sa kategoryang typhoon kapag ang dala nitong hangin ay nasa pagitan ng 118 hanggang 220 kph, at itinuturing namang super typhoon ang pinakamalakas na uri dahil lumalampas ito sa 220 kph.
Kasabay ng mga kategoryang ito, inilabas din ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signals o TCWS upang ipaalam sa publiko ang inaasahang lakas at oras ng pagdating ng hangin sa isang lugar. Ibinababa ang Signal No. 1 kapag posibleng maranasan ang 30 hanggang 60 kph sa loob ng 36 oras, habang ang Signal No. 2 naman ay inaasahang papalo sa pagitan ng 61 hanggang 120 kph sa loob ng 24 oras.
Inilalabas naman ang Signal No. 3 kapag maaaring maranasan ang 121 hanggang 170 kph sa loob ng 18 oras, at ang Signal No. 4 naman kapag posibleng umabot sa 170 hanggang 220 kph sa loob ng 12 oras. Pinakamataas ang Signal No. 5, na inilalabas kung inaasahang higit sa 220 kph ang tatama sa isang lugar sa loob din ng 12 oras
Mga Sanggunian
Arceo, A. (2025, September 3). Tropical Depression Kiko quickly exits PAR. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/weather/tropical-depression-kiko-southwest-monsoon-update-pagasa-forecast-september-3-2025-10pm/
Arceo, A. (2025b, September 6). Tropical Depression Lannie leaves PAR; southwest monsoon brings scattered rain. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/weather/tropical-depression-lannie-southwest-monsoon-update-pagasa-forecast-september-6-2025-11am/
Arceo, A. (2025c, October 10). Tropical Storm Quedan quickly exits PAR; new LPA forms outside. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/weather/tropical-storm-quedan-lpa-update-pagasa-forecast-october-10-2025-5am/
Arceo, A. (2025d, October 23). Tropical Depression Salome continues to weaken over Balintang Channel. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/weather/tropical-depression-salome-itcz-easterlies-update-pagasa-forecast-october-23-2025-11am/
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (n.d.). https://bagong.pagasa.dost.gov.ph/learning-tools/philippine-tropical-cyclone-names
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025b). Tropical Cyclone Auring Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_AURING.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025c). Tropical Cyclone Bising Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_BISING.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025d). Tropical Cyclone Crising Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_CRISING.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025e). Tropical Cyclone Dante Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_DANTE.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025f). Tropical Cyclone Emong Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_EMONG.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025g). Tropical Cyclone Fabian Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_FABIAN.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025h). Tropical Cyclone Gorio Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_GORIO.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025i). Tropical Cyclone Huaning Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_HUANING.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025j). Tropical Cyclone Isang Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_ISANG.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025k). Tropical Cyclone Jacinto Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_JACINTO.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025l). Tropical Cyclone Lannie Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_LANNIE_rev1.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025m). Tropical Cyclone Mirasol Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_MIRASOL_rev1.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025n). Tropical Cyclone Nando Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. PAGASA. (2025).
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025o). Tropical Cyclone Opong Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_OPONG_rev1.pdf
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA]. (2025p). Tropical Cyclone Paolo Preliminary Report. In Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. https://pubfiles.pagasa.dost.gov.ph/pagasaweb/files/tamss/weather/tcprelimsummary/PAGASA_Prelim_2025_PAOLO_rev1.pdf
National Disaster Risk Reduction and Management Council [NDRRMC]. (2025a). Situational Report No. 37 for the Combined Effects of Southwest Monsoon, TCS MIRASOL, NANDO, and OPONG (2025). https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/situation/combined-effects-of-southwest-monsoon-tcs-mirasol-nando-and-opong-2025
National Disaster Risk Reduction and Management Council. (2025b, October 8). Situational report No. 6 for the effects of Tropical Cyclone PAOLO (2025): Summary table (Situational Report No. 6). https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/assets/uploads/situations/Situational_Report_No__6_for_the_Effects_of_Tropical_Cyclone_PAOLO_2025_Summary_Table.pdf
National Disaster Risk Reduction and Management Council. (2025c). TC Ramil (2025): Situation. https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/situation/tc-ramil-2025
National Disaster Risk Reduction and Management Council. (2025d). TC Tino (2025): Situation. https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/situation/tc-tino-2025
National Disaster Risk Reduction and Management Council. (2025e). TC Uwan (2025): Situation. https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/situation/tc-uwan-2025
