Ulat nina Andie Francheska Cua, Arissa Jelina Cuyos, at Maegan Abigail Punzalan
Nagliyab sa kulay at musika ang bayan ng Los Baños sa Civic Parade ng ika-24 Bañamos Festival ngayong Setyembre 17. Nilahukan ito ng iba’t ibang people’s organizations, paaralan, lokal na negosyo, LGUs, at member institutions ng Los Baños Science Community Foundation, Inc. (LBSFCI).
Sa pangunguna ng Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City, ang parada ay nagsimula sa Olivarez Plaza at nagtapos sa CPP Memorial and Evacuation Center. Tampok din ang iba’t ibang mini floats ng mga kalahok sa temang “Healing, Heritage, and Natural Beauty of Los Baños,” gamit ang mga eco-friendly at recyclable na materyales.
Hinihikayat ang mga Los Bañense na makiisa sa iba pang aktibidad ng taunang Bañamos Festival na isasagawa hanggang Setyembre 20, 2025.
