Bit by bit: Digital hygiene tips para sa seguro ang cybersecurity

Ulat nina Gen Suza at Noel Villanueva

“There’s no such thing as free lunch.” 

Isang kasabihang patuloy na tumatama sa digital age. Ngunit sa panahon ngayon na tila libre ang paggamit ng digital platform, ano kaya ang ibinabayad ng mga gumagamit nito?

Ngayong buwan ng Oktubre, ipinapaalala ng #CybersecurityAwarenessMonth sa netizens ang kahalagahan ng seguridad sa online at digital spaces, gayundin ang pakikiisa at mga inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpuksa sa cyber threats. Sa pagkakaroon ng digital softwares para sa mga transaksyon, lalong nararapat na pag-igtingin ang kaalaman kung paano masisiguradong ligtas ang ating data laban sa cybercrimes. 

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, tinatayang halos 7,000 ang nai-report na cybercrimes at cyber-related incidents sa bansa mula January hanggang July 2025. Sa probinsya naman ng Laguna, umabot sa 61 ang cases ng cyber-related offenses. Kabilang na rito ang iligal na pag-access ng iba’t ibang data, libel, computer-related identity theft, fraud, at iba pa. Maliban dito, umabot naman sa 101 ang bilang ng reported cybercrime offenses sa Laguna kung saan kabilang ang estafa, grave threat, Anti-photo and Voyeurism Act, at iba pa.

Upang maprotektahan ang sarili mula sa ganitong sitwasyon, itinala ang iba’t ibang paalala para sa digital security at data protection:

  • Suriing mabuti ang privacy settings at permissions ng iba’t ibang social media accounts upang mabantayan ang data na makukuha nito mula sa user.
  • Limitahan ang pagpo-post at paglalagay ng mga personal na impormasyon sa online websites at shopping sites. 
  • Siguraduhing unique at hindi madaling mahulaan ang mga inilalagay na password. Mainam na gumamit ng alpahnumeric o pinaghalong letters at numbers upang masigurado ang seguridad ng account.
  • I-allow ang two-factor authentication o 2FA sa mga accounts upang ma-monitor tuwing bubuksan ang account sa ibang device. 
  • Limitahan ang pagbibigay ng access sa mga application sa pag-track ng iyong data sa pamamagitan ng pag-click ng “Ask app not to track” tuwing gagamit ng bagong application.
  • Huwag basta i-click ang link lalo na kung ito ay mukhang suspicious at galing sa unknown sender.
  • Panatilihing updated sa latest version ang iyong software para sa security updates and patches .

Kaakibat nito, mayroon ding mga probisyon ang Data Privacy Act of 2012 para sa mga netizens. Mahalagang malaman na mayroong mga batas na pumu-protekta sa karapatan ng mga netizens sa digital spaces. Sa kabila nito, ang mga personal na hakbangin at gawi upang protektahan ang personal data ay ang pinakamainam na pamamaraan upang makaiwas sa cybercrimes at cyber-related offenses.

Basahin ang kaugnay na ulat.

Mga paraan para maging ligtas online

Ngayong #CybersecurityAwarenessMonth, alamin kung paano mapoprotektahan ang iyong data at identity laban sa cyber threats.

  1. Suriin ang privacy settings ng iyong social media accounts.
  2. Limitahan ang pagbabahagi ng personal na impormasyon online.
  3. Gumamit ng strong password — halong letters, numbers, at symbols.
  4. I-activate ang Two-Factor Authentication (2FA) para sa dagdag seguridad.
  5. I-click ang “Ask App Not to Track” sa mga bagong apps.
  6. Iwasan ang suspicious links o unknown senders.
  7. Panatilihing updated ang iyong software at apps para sa security patches.

Think Before You Click!

7,000 cybercrime reports (Jan–July 2025, PNP ACG)
Laguna: 61 cyber-related offenses, 101 cybercrime offenses

  • Sa panahon ng digital transactions, mas madali nang ma-access ng mga kriminal ang personal na impormasyon.
  • Ang pag-iingat sa passwords, settings, at clicks ay makaiiwas sa identity theft, fraud, at online scams.
  • Makatutulong din ito sa pagpapanatili ng tiwala sa digital platforms.

Cybercrimes: Kilalanin at Iwasan!

Ang cybercrime ay anumang ilegal na gawain na isinasagawa sa pamamagitan ng computer o internet.

  1. Illegal Access – Pagnanakaw o pagkuha ng data nang walang pahintulot.
  2. Identity Theft – Paggamit ng personal na impormasyon ng iba para sa panloloko.
  3. Online Fraud / Estafa – Paggamit ng internet para manloko o manghingi ng pera.
  4. Cyber Libel – Paninira o maling impormasyon sa social media.
  5. Voyeurism / Photo Violations – Pagkalat ng pribadong larawan o video nang walang pahintulot.
  6. Grave Threats – Pananakot o harassment online.
  7. Suspicious links or messages
  8. Requests for personal/banking info
  9. Too-good-to-be-true offers
  10. Fake profiles or impersonation

Alam Mo Ba?

  • Ang Data Privacy Act of 2012 ay nagpo-protekta sa karapatan ng mga netizens laban sa data misuse.
  • Ayon sa PNP-ACG, tumaas ang cybercrime cases sa bansa ng higit 30% kumpara noong nakaraang taon.
  • Ang paggamit ng 2FA ay nakababawas ng hanggang 99% ng phishing attempts.
  • Ang bawat app na ginagamit mo ay maaaring nagta-track ng data — kaya mahalagang piliin ang “Ask app not to track.”