Ulat ni Emmanuel Andrei Pelobello
Barangay Malinta ang nanguna sa Los Baños Inter-Barangay Trade Fair matapos magwagi bilang kampeon at mag-uwi rin ng parangal bilang Most Creative Booth. Tampok sa kanilang booth ang mga produktong hand-crafted ng mga solo parent na kababaihan mula sa Malinta Women’s Brigade Livelihood Project, kabilang ang handmade flowers, unan, atsara, at dishwashing liquid.
Ibinida rin ng Malinta ang kanilang mga kilalang pagkain gaya ng Mitz Original Special Cassava Cake at Egg Pie, pancit canton, maalat na itlog, at balot na mga produktong sumasalamin sa yaman ng kanilang lokal na kultura.
Samantala, nakamit ng Barangay Tuntungin Putho at Barangay Bagong Silang ang 1st at 2nd runner-up, habang itinanghal ang Barangay Baybayin bilang Best in Concept at Barangay Bambang bilang Most Informative Booth.
Isinagawa angang trade fair sa Gen. Paciano Rizal Park noong Setyembre 16–20 bilang bahagi ng ika-24 na Bañamos Festival, na nagbigay-daan para ipakita ng bawat barangay ang kanilang natatanging produkto at talento.
