Brgy. Mayondon, kampeon sa Palarong Bañamos 2025

Ulat ni Angenina Damil

Nangibabaw ang kulay asul.

Sinelyuhan ng Barangay Mayondon ang titulo sa Palarong Bañamos ngayong taon matapos mamayagpag sa sari-saring larong Pinoy, na ginanap noong ika-18 ng Setyembre sa Los Baños Central Elementary School hanggang General Paciano Rizal Park.

Nag-uwi ng tumataginting na ₱25,000 ang koponang Light Blue mula Barangay Mayondon matapos hirangin bilang kampeon ng 2025 Palarong Bañamos. Nakamit naman ng grupong Berde mula Barangay Mangaha­s ang ₱15,000 bilang unang gantimpala, nasungkit ng grupong Dilaw na binubuo ng Barangay Putho-Tuntungin, Timugan, at Batong Malake ang ₱10,000 bilang ikalawang gantimpala, at nakatanggap din ang iba pang kalahok na barangay ng karampatang gantimpala bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon.

Bilang pagtatapos ng palaro, humataw sa pagkuha ng biik ang Barangay Baybayin sa Hulihang Baboy, at maagang tinuldukan ng Barangay Timugan ang Hulihang Itik.

This slideshow requires JavaScript.