‘Clean UP, LB’ isinulong sa UPLB Community Affairs webinar

Ulat ni Saarah Karyll Papa

Upang isulong ang kalinisan sa komunidad, isinagawa ang “Clean UP, LB! Practicing 5S and Waste Management for a Greener Campus” Zoom at Facebook webinar ng UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) nitong Setyembre 15, 2025, bilang bahagi ng University-wide Clean UP Week ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Katuwang ang UPLB Human Resource Development Office (HRDO), ang webinar ay nagkaroon ng dalawang panauhing tagapagsalita. Una ay si Asst. Prof. Lizbeth A. Mariano ng UPLB Department of Industrial Engineering na tinalakay ang 5S of Good Housekeeping. Pangalawa ay si Engr. Christian Paulo A. Altoveros, Pollution Control Officer ng OVCCA, na nagbahagi tungkol sa Waste-at-Source Segregation (WASS) at sa iba’t ibang klase ng waste.

Dumalo ang mahigit 160 kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo, institusyon, at opisina sa loob ng UPLB.

Magpapatuloy ang iba pang aktibidad ng Clean UP, LB! hanggang Setyembre 20, 2025, kabilang ang photo contest, sustainability exhibit, e-waste collection, at community clean-up sa UPLB Saturday Bazaar. Tumutok sa UPLB OVCCA Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon ukol dito.

Maaaring panoorin ang webinar sa UPLB HRDO Facebook group.