DOST-FPRDI, wagi sa Bañamos LB Inter-Agency Booth Fair

Ulat ni Janzen Razal

Ang Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ang itinanghal na kampeon sa Bañamos LB Inter-Agency Booth Fair na ginanap sa Municipal Activity Area noong Setyembre 16–20, 2025 bilang bahagi ng ika-24 na Bañamos Festival.

Sa makukulay at malikhaing disenyo ng kanilang booth, itinampok ng DOST-FPRDI ang mga inobasyon nito kagaya ng Silyang Pinoy, Wood ID, Bamboo Charcoal Soap, Engineered Bamboo Marimba, at iba pang likhain.

Samantala, nasungkit ng UP Open University at DOST-CALABARZON ang 1st at 2nd runner-up na parangal.

Naka-angkla sa tema ng piyesta ngayong taon na “Abante, Los Baños: Ang Natatanging Bayan ng Agham, Sining at Kalikasan,” ang Inter-Agency Booth Fair ay binuklod ang iba’t ibang ahensiya sa Los Baños, karamihan ay miyembro ng Los Baños Science Community Foundation Inc. (LBSCFI).

Layunin ng Inter-Agency Booth Fair na dalhin mismo sa puso ng bayan ang mga serbisyong nakatutugon sa pangangailangan ng mga taga-Los Baños.

Mga larawan mula sa Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City/Facebook.

This slideshow requires JavaScript.