Proseso ng Pagfa-Fact-Check ng LB Times
Basahin lahat ng aming fact-checks sa link na ito: lbtimes.ph/category/fact-check
Ang Los Baños, na tinaguriang Science and Nature City, ay sentro ng pag-aaral ng agham sa bansa, pati na rin ng masinop at mapanuring pamamahayag tungkol dito.
Bilang tugon sa lumalaganap na maling impormasyon, lalo na sa social media, inilunsad ang LB Times Fact-Check, isang inisyatibo ng DEVC 128 (Science Journalism for Development) class ng College of Development Communication, University of the Philippines Los Baños (CDC-UPLB). Layunin nitong isulong ang media and information literacy at science literacy sa komunidad, at mapalakas ang kakayahan ng publiko na tukuyin ang tama sa mali sa mga usaping agham at teknolohiya.
Nakatuon ang LB Times Fact-Check sa pagsusuri at pagtatama ng mga maling impormasyon, haka-haka, at maling interpretasyon. Saklaw nito ang mga larangang tulad ng medicine at public health, agriculture, biotechnology, environment, climate science, information technology, at iba pang isyung may kaugnayan sa agham at teknolohiya.
Naniniwala kami na sa pagbibigay ng sapat, tumpak, at maaasahang kaalaman at sa pag bibigay halaga sa ebidensya, ang mga mamamayan ay magiging mas kritikal, mapanuri, at handang makilahok sa matalinong pagdedesisyon at talakayan para sa kanilang sarili at sa lipunan.
Fact-Checking Ethics
Bagaman hindi ito kasapi, ang LB Times Fact-Check ay sumusunod sa mga pamantayan ng International Fact-Checking Network (IFCN) upang masiguro ang integridad at pagiging patas ng aming mga pagsusuri.
Ang IFCN Code of Principles na aming sinusunod ay kinabibilangan ng sumusunod:
- Non-partisanship and fairness
– Hindi kami kumikiling sa anumang ideolohiya, partido, o interes. Tinitiyak naming patas ang pagtalakay sa lahat ng panig. - Transparency of sources
– Ipinapakita namin ang mga pinagkunang ebidensya para sa bawat pahayag na aming sinusuri. Lahat ng sanggunian at ebidensya ay malinaw na binabanggit o nililista o binibigyan ng hyperlink upang agarang makita itong ng mga mambabasa. - Transparency of funding and organization
– Ang LB Times ay isang programa ng UPLB CDC. Hindi ito tumatanggap ng bayad o suporta mula sa mga grupong pampulitika o pribadong entidad na maaaring makaapekto sa aming pagsusuri. - Transparency of methodology
– Bukas sa publiko ang aming proseso ng fact-checking, mula sa pagpili ng mga sabi-sabi hanggang sa paglalathala ng resulta. Ipinapaliwanag namin kung paano kami humantong sa aming hatol. - Open and honest corrections
– Nangangako ang LB Times na agad itatama ang anumang pagkakamaling makita o mapuna sa aming fact-checks. Bukas kami sa puna at mungkahi ng publiko.
Fact-Check Methodology
- Pagpili ng sabi-sabi
– Pinipili ang mga pahayag o sabi-sabi na kumalat sa social media o iba pang plataporma, lalo na ang mga may potensyal na makaapekto sa pampublikong kalusugan, kaligtasan, o pananaw ukol sa agham. - Pagsusuri ng Ebidensya
– Tinitipon at sinusuri ang iba’t ibang mapagkakatiwalaang sanggunian upang tukuyin ang katotohanan ng sabi-sabi. - Pagpapayo ng mga Eksperto
– Kapag kinakailangan, kumukuha ng paliwanag mula sa mga dalubhasa sa larangan upang linawin ang teknikal o siyentipikong impormasyon. - Paglalapat ng Marka
– Batay sa bigat ng ebidensya, binibigyan ng marka ang bawat sabi-sabi. - Paglalathala at Pagwawasto
– Inilalathala ang fact-check article sa website o social media ng LB Times, kalakip ang mga pinagkunang sanggunian. Kung may natukoy na pagkakamali, agad itong iwawasto.
Marka (Fact-Check Ratings)
Ginagamit ng LB Times Fact-Check ang mga sumusunod na kategorya sa pagsusuri ng mga sabi-sabi:
- Totoo (True) – May matibay na ebidensya mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian na nagpapatunay sa sabi-sabi.
- Hindi Totoo (False) – Taliwas ang sabi-sabi sa mga nakuhang ebidensya.
- Kulang sa Detalye (Partly True / Misleading / Needs Context) – May bahaging totoo ngunit kulang o may labis na detalye na nakakapanlinlang
- Walang Basehan (No Basis / Unfounded) – Walang anumang mapagkakatiwalaang batayan o sanggunian para tukuyin ang katotohanan ng sabi-sabi.
Paunawa
Ang layunin ng LB Times Fact-Check ay magbigay ng impormasyon at hindi ito dapat ituring bilang medikal na payo o kapalit ng propesyonal na pagsusuri. Para sa wastong diagnosis, paggamot ng anumang karamdaman, o payo, kumunsulta sa isang doktor o lisensyadong propesyonal sa kalusugan o sinumang eksperto.
Dagdag dito, ang mga ebidensyang nabanggit sa aming fact-checks ay base sa mga kasalukuyang datos nang ito ay mailathala. Maaaring mag-iba ang mga ito kapag may panibagong mga ebidensyang lumabas sa hinaharap sapagkat ganito ang kalikasan ng agham.
Makipag-ugnayan sa LB Times
May nakita ka bang kahina-hinalang sabi-sabi sa social media tungkol sa kalusugan na nais mong mabigyang-linaw? Ipadala ang screenshot o link ng naturang post sa [email protected] o sa opisyal na Facebook page ng LB Times.
Mga sanggunian:
Durian, M.V.T. (2024). Diagnosing the Philippine infodemic: Content analysis of Rappler’s science and health fact-checks, 2020-2023. FRAMEwork: The Asia-Pacific Journal of Communication, 2(1), 1-25. https://doi.org/10.17605/OSF.IO/XV8SK
Poynter Institute. (n.d.) The commitments of the Code of Principles. Poynter.org. https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/
Rappler. (2023). [PANOORIN] Fact check rating system. Rappler.com. https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/fact-check-ratingsystem/
Rappler. (2023). How we do our fact-check. Rappler.com. https://www.rappler.com/about/174766-fact-check-methodology/
Vera Files. (2021). VERAfied: A DIY guide to fact-checking and fighting misinformation and disinformation. Verafiles.org. https://verafiles.org/articles/verafied-diy-guide-fact-checking-and-fighting-misinformation
Vera Files. (2020). How does VERA Files rate its fact checks? Verafiles.org. https://verafiles.org/articles/how-does-vera-files-rate-its-fact-checks