Ulat ni Saarah Karyll Papa
Tampok ang angking talento ng mga kabataan ng Los Baños Department of Education (DepEd) Cultural Show na ginanap sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center noong Setyembre 17, 2025 bilang bahagi ng ika-24 na Bañamos Festival at 410th Founding Anniversary ng bayan ng Los Baños
Naging pambungad na bilang ang doksolohiya mula sa Philippine High School for the Arts – Musika Ibarang, na sinundan ng mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang paaralan. Umabot sa 22 na mga paaralan mula elementarya at sekondarya ang lumahok sa programa at nagpakita ng iba’t ibang pagtatanghal.
Tampok dito ang mga tradisyunal na folk dances mula sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang contemporary at modern standard dances. Kasama rin ang band performance, interpretative dance, ballroom, at hip-hop dance na nagbigay-buhay sa entablado.
Pinangunahan ito ni Mayor Neil Andrew Nocon, kasama si Vice Mayor Antonino Aurelio ng Rizal, Laguna. Dinaluhan ito ng mga opisyal, guro, school heads, mga magulang, at mga mag-aaral.
Mga larawan mula sa Tinig Timugan/Facebook.
