Kalusugan, Edukaston at Turismo sa Laguna, inaasahang umunlad sa mga susunod na taon

Ulat ni Arlette Lorzano 

‘Isang kahig, isang tuka’iyan ang madalas na maririnig kapag pinag-uusapan ang kahirapan. Nangangahulugang sapat lang ang kinikita sa pang-araw-araw para sa pangangailangan tulad ng pagkain o ang iba pang mga gastusin, at kung minsan ay kulang pa.

Ganito ang sitwasyon ng maraming kababayan sa Laguna. Kaya naman, kapag nagkakasakit, mas pinipili ng karamihan na huwag na lang itong bigyang pansin. Tumatak sa isipan ng marami na ang kapag na ospital, hindi lamang ito pagod at gutom, tiyak na magastos pa. Kung makarating man sa ospital, mahirap pa rin ang kalagagyan dahil sa kakulang sa staff, kagamitan, at mga gamot.

Dahil sa mga hamong ito, inaasahan ng mga Lagunense ang pangako ng pinuno ng lalawigan na bibigyang-prayoridad ang kalusugan.

Ngayong taon, sinimulan ang mga komprehensibong plano pangkalusugan para sa Laguna. Kabilang dito ang pagpapatayo ng siyam (9) na district hospitals sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Layon nitong magkaroon ng sapat ng gamot, makabagong kagamitan at tamang bilang ng mga doktor at medical staff upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.

Dagdag pa rito, inaasahan na sisimulan ang pagpapatayo ng 10 botika sa Seytembre sa ilalim ng malaking proyekto, ang “Akay ni Gob Botika”, na naglalayong makapagbigay ng libreng gamot sa bawat distrito. Sa darating din na Nobyembre, inaasahang makukumpleto ang mga botika sa 24 na munisipalidad at anim na lungsod sa Laguna. Pansamantalang nagpapaikot ng apat na mobile botika sa iba’t ibang mga lugar na walang botika upang makapagbigay ng libreng maintenance na gamot habang hindi pa naitatatag ang mga botika sa nasabing proyekto.

Maliban dito, may inilaan ding solusyon para sa mga hindi kayang pumunta sa ospital o botika. Ilulunsad sa mga darating na buwan ang Digital Health Application, isang application kung saan maaring magpakonsulta online nang libre. Kasama rito ang e-reseta at home delivery ng gamot para sa mga senior citisens at persons with disabilities (PWD). Malaking tulong ito para sa mga pasyenteng malayo sa pasilidad o walang panggastos para sa pamasahe.

Bukod sa gamot at serbisyo, isinama rin sa mga bagong patakaran sa ospital ang maayos at magalang na pagtrato sa mga pasyente. Layunin nitong mapabuti ang karansan ng ma pasyente sa pampublikong ospital at masiguradong hindi sila matratrato ng mali o masungitan sa panahong sila ay may sakit. Hindi rin nakakalimutan ang mga frontliners at hospital staff. Bahagi rin ng plano ang pagbibigay ng dagdag na insentibo at suporto para sa kanila upang mapanatili ang kanilang sagasig at kalidad na serbisyo.

Ang lahat ng planong pangkalusugan ay inaasahang magdudulot ng malaking ginahawa para sa mga Lagunense.

Para naman sa mga kabataang estudyante na naghahanap ng schoalrship, may inihandang programa ang pamahalaan ng Laguna. Sa ilalim ng baong patakaran, pinapayagan na ang mga kabataang may bagsak na marka na makapasok sa scholarship. Basta’t magsusumikap at magpapakita ng pagtaas ng marka, may pagkakataaon pa rin silang makapagpatuloy ng pag-aaral.

Layon ng programang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga kabataan upang bumangon at ipagpatuloy ang pag-aaral, kahit may mga pagkukulang noon. Patuloy pa ring ipapatupad ang mga scholarship programs na sinimulan ng mga nakaraang administrasyon.

Sa hirap ng paghahanap ng trabaho o oportunidad sa negosyo, may plano ang pamahalaan para sa pagpapalakas ng turismo sa Laguna. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga tourism arch, directory markers at promosyon ng pilgrimage tourism sa mga makasaysayang lugar sa lalawigan. Layunin ng proyekto para sa turismo na mapalakas ang mga lokal na kabuhayan, makatulong sa mga negosyo at mangagawa sa bawat bayan.

Ang lahat ng programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lokal na pamahalan–ang maihatid ang serbisyong abot-kamay, mabilis at pantay-pantay para sa lahat. Sa pagtutok sa kalusugan, edukasyon, at turismo, makabubuo ng isang mas matatag, maayos at maunlad na Laguna.