Kalusugan ng mga Los Bañense bida sa Color Fun Run for a cause

Ulat ni Althea Rodriguez

Hindi lamang kulay ang bumuhos sa huling araw ng Bañamos Festival 2025, kundi pag-asa para sa mga nangangailangan ng serbisyong medikal at kalusugan ng mga Los Bañense. Sa ginanap na Color Fun Run noong Setyembre 20, 2025, ang bawat hakbang ng mga kalahok ay may dalang layuning makalikom ng pondo para sa pagpapaunlad ng dialysis center ng bayan at isulong ang pag-eehersisyo upang mapaunlad ang kalusugan ng mga Los Bañense.

Kasabay ng makukulay na pulbura at masayang hiyawan ng mga kalahok, dama ang espiritu ng pagkakaisa. Dumalo rito ang mga Los Bañense, iba’t ibang organisasyon, at mga stakeholder na nagsama-sama upang suportahan ang proyektong makakatulong sa mga kababayang dumaraan sa hamon ng sakit sa bato.

Bukod sa makataong layunin, naging masigla rin ang kompetisyon. Nasungkit ng magkapatid na sina Darwin P. Consad at Dannieca P. Consad ang unang titulo para sa 1K na kategorya, habang nag-uwi naman ng parangal sina Julius Lago Natividad at Sam Sia para sa 3K, at tinanghal na kampeon sina Nathaniel Sadiasa at Kathleen Joyce Austria para sa 5K na kategorya. 

Pinangunahan ang fun run ng opisina ni Konsehala Mec Dizon, kasama si Municipal Nutrition Action Office Madeleine Alforja.

This slideshow requires JavaScript.